• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang  Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre  24, 2020. 

 

Si PA Evasco ay hindi na bago sa  Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang administrasyon.

 

Ang pagiging pamilyar nito sa kasalukuyang burukrasya  ay makapag-aambag  sa kanyang bagong gawain na i- streamline ang  government processes sa Ehekutibo.

 

“Welcomer back, PA Evasco,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Samantala, kinumpirma rin ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong  Duterte kay  Ramon Pereyra Jacinto bilang  Presidential Adviser for Telecommunications, na may ranggo na Kalihim noong Nobyembre  25, 2020.

 

Si PA Jacinto ay nagsilbi sa  Duterte Administration sa iba’t ibang kapasidad.

 

Siya ay naging dating  Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology at pagkatapos at naging Undersecretary ng  Department of information and Communications Technology.

 

“We are therefore confident that PA Jacinto would ably and effectively discharge his duties in this new assignment,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Shared bike lane’ ibinasura ng MMDA

    IBINASURA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panukala na ‘shared lane’ para sa mga bisikleta at motorsiklo sa EDSA.         Ito ay makaraan ang pulong ni MMDA chair Romando Artes sa mga kinatawan ng mga motorcycle at bicycle groups kung saan nabigo na makaabot sila sa isang kasunduan at desisyon. […]

  • La Salle ibinunton ang galit sa UST

    IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.     Nasandalan ng Green Ar­chers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat […]

  • Pinaghahandaan na ang kanilang intimate scene: YASSER, inaming natulala nang maka-eksena si CLAUDINE

    HINDI raw maiwasang matulala ng Sparkle hunk na si Yasser Marta nang maka-eksena si Claudine Barretto sa GMA primetime teleserye na ‘Lovers/Liars.’       “Ang dami ko pong nararamdaman. Kinakabahan ako, pinapawisan ang kili-kili ko, ‘yung mga kamay ko, tapos kinikilig ako. Sobrang laki pong achievement, syempre, to be paired with Ms. Claudine, sobra […]