QC gov’t namahagi ng P500 fuel subsidy sa mga tsuper kasunod ng pagtaas ng presyo ng krudo
- Published on March 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng P500 fuel subsidy voucher para sa lahat ng tricycle driver na pumapasada sa siyudad.
Ito ay para alalayan ang mga tsuper na lubos na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng tulong sa halos 4,000 registered tricycle drivers.
Ang iba pang TODA drivers ay mabibigyan naman sa susunod na mga araw.
Maliban sa P500, magbibigay pa ang lokal na pamahalaan ng P1,000 fuel subsidy ayon sa Ordinance SP3100, S-2022 na naipasa ng Sangguniang Panglunsod na inakda ni Majority Leader Franz Pumaren.
Ang mga nabanggit na fuel subsidy program ng QC ay iba pa sa nakatakdang ibigay ng national government.
-
Tulfo, ipinamamadali pagpasa ng Child Support Law
IPINAMAMADALI na ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang pagpasa ng panukalang batas, na inihain niya at mga kasamahan na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, at Ralph Tulfo, hinggil sa pagsustento ng mga hiwalay na mga magulang sa mga menor de edad na anak. Sa House Bill No. 08987 o ang “Act punishing […]
-
ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City
ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City na nasira ng mga barkong dumikit dito dahil sa malakas na hangin na dala ng Bagyong Kristine. Ayon kay Mayor Tiangco, ipapa-assess ang damage dito para mapaayos ng mga kumpanyang nagmamay-ari ng mga barko. Hinihintay nalang aniya na tumaas […]
-
Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto
NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund. Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang […]