• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.

 

 

Idinagdag ni Duque na ang pinagtutuunan nila ngayon ng pansin ay matulungan ang mga lugar na nasa Alert Level 2 na maibaba sa Alert Level 1 sa pamamagitan nang pagpapataas ng bilang ng mga may bakuna laban sa COVID-19.

 

 

“‘Yan muna ang ating pagtuunan ng pansin kaysa ‘yung pag-usapan na ‘yang Alert Level 0. Maayos naman tayo sa Alert Level 1. Tingin ko baka ito ay hanggang sa katapusan na,” ani Duque.

 

 

“Alert Level 1 muna tayo malamang hanggang sa katapusan ng termino ng ating Pangulong Duterte,” dagdag ni Duque.

 

 

Nauna nang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority na nakahanda na ang mga mayors para sa pagpapatupad ng Alert Level 0.

 

 

Muli namang ipinaalala ni Duque na hindi pa dapat tanggalin ang pagsusuot ng face mask dahil may naitatala pa ring impeksiyon sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Wala pang kapalit para sa 3 retiradong Comelec execs

    WALA pang advice at impormasyon ukol sa pagtatalaga ng bagong Commission on Elections (Comelec) chair at dalawang commissioners.     Nakatakda na kasing magretiro sa serbisyo sina Comelec Chair Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon, at Antonio Kho Jr. sa susunod na buwan o tatlong buwan bago ang May 9 national at local polls.   […]

  • 100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito

    Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.     Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.     Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni […]

  • Inaasahan na gagawa uli ng box-office record: VICE at Direk CATHY, sanib-puwersa sa MMFF entry na ‘Partners In Crime’

    MAGSASANIB-PUWERSA sa isang malaking pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2022 ang Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda at Box-Office Director Cathy Garcia-Molina.     May title na Partners in Crime ang action-comedy na pagbibidahan ni Vice at ni Ivana Alawi. Na-announce na ito noong nakaraang July ng bumubuo ng MMFF kasama ang tatlo pang […]