Pagbibigay ng dagdag na P200 na ayuda, target na maibibigay ngayong buwan- Malakanyang
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na maibigay ngayong buwan ng Marso sa 12 milyong indibidwal ang karagdagang P200 cash assistance.
Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar, ibibigay ito sa bottom 50% na mahihirap na mga household na aniyay aabot sa 4.2 million households.
Siniguro ni Andanar, may available ng pondo para sa dagdag ayuda na una ng iniulat ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Pangulo na aabot sa 33. 1 billion pesos.
Ang dagdag na 2 daang piso ay bukod sa dati ng 500 pesos monthly na tinatanggap ng mga benepisaryo ng pantawid pamilya program.
Lalabas na mula sa anim na libo kada taon na nakukuha mula sa pantawid pamilya program, madaragdagan pa ito ng 2, 400 kaya’t suma’t total, aabot na sa 8, 400 annually ang maipagkakaloob na cash assistance ng pamahalaan.
Samantala, binatikos ng ilang personalidad ang desisyon ng gobyernong bigyan na lang ng P200 buwanang ayuda ang mga mahihirap imbes na suspendehin ang excise tax, sa harap ng patuloy na pagmahal ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng progresibong grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), “pittance” o masyadong maliit at hindi sapat ang buwanang ayuda — na matatanggap sa loob ng 1 taon — ng pamahalaan.
Sinabi rin ni Reyes na “out of touch” o tila hindi batid ng gobyerno ni Pangulong Duterte at ng economic managers nito ang pinagdadaanan ng mga mahihirap.
Tinawag ding “pittance” ni Sen. Grace Poe ang P200 kada buwan na ayuda at sinabing hindi dapat magtipid ang gobyerno sa pagbibigay ng ayuda sa mga tao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Poe na sana’y pag-isipan ulit ang panukalang pagsuspende sa excise tax, na sinasabing makapagpapababa ng presyo ng petrolyo sa bansa.
Kung hindi man masuspinde ang buwis, sana’y taasan ang halaga ng buwanang ayuda, dagdag ng mambabatas. (Daris Jose)
-
Gobyerno, masusing pinag-aaralan ang ekstensyon ng CARS PROGRAM
MASUSING pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang palawigin o i-extend ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program. Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng Mitsubishi Motors Corporation sa Tokyo, sinabi ng Chief Executive na habang isinasagawa ang pag-aaral, ang pamahalaan ay “very much of the mind that we […]
-
Thailand ibabalik na ang ‘quarantine-free’ scheme
NAKATAKDANG ituloy ng Thailand ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1. Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant. Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng […]
-
Libreng sakay sa MRT3
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) simula March 28 hanggang April 30 dahil tapos na ang ginawang rehabilitation ng buong MRT3. Nagkaroon ng inagurasyon noong nakaraang Martes ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) […]