• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak timbog sa baril at P408K shabu sa Caloocan

KALABOSO ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at mahigit P.4 milyon halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Marvin De Vera alyas “Bigboy”, 37 ng Hernandez St., Brgy., Catmon, Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activity ng suspek kaya’t isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC-RMFB ang buy bust peration sa Kapak St., Brgy. 12, Caloocan City kung saan isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay De Vera ng P10,000 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ng back-up na operatiba ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad itong lumapit saka inaresto nila ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 60 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000. 00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 9 pirasong P1,000 boodle money at isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala.

 

 

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 and Section 11 Art  II of RA 9165 at RA 10591 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines. (Richard Mesa)

Other News
  • Drivers, operators ng mga PUVs papatawan ng multa sa “no vax, no ride” policy

    Ang mga operators at drivers ng mga public utility vehicles ang siyang papatawan ng multa sa mga mahuhuling nagsasakay ng mga walang bakuna dahil sa “no vax, no ride” polisia ng Department of Transportation (DOTr).     Bibigyan ang mga operators at drivers ng multang hanggang P15,000 at posible pa na makansela ang kanilang prangkisa […]

  • Drug suspect kalaboso sa P174K shabu sa Caloocan

    KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation […]

  • PBA hihirit na magkaroon na ng live audience sa mga laro

    Umaasa ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakabalik na sa normal set-up ang 2021 PBA Governor’s Cup.     Nakatakda kasing magsimula ang second conference sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan na mayroong mga imports.     Noong nakaraang taon kasi ay nagsagawa lamang ang liga ng All-Filipino Conference dahil sa COVID-19 pandemic.   […]