Gov’t workers group humirit ng P21,000 monthly minimum wage
- Published on March 22, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa pamahalaan na itaas ang minimum na buwanang sweldo para sa mga state workers.
Ito ay dahilan pa rin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa bansa.
Sa isang statement ay nanawagan ang nasabing grupo para sa P21,000 na minimum wage para sa lahat ng mga government workers sa buong bansa.
Katuwiran ng grupo, ang pinakamababang salary grade na salary grade 1 sa ilalim ng Salary Standardization Law ay tanging nasa P12,517 kada buwan, malayong-malayo daw sa buwanang kitang tinataya ni dating National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia na nagkakahalaga sa P42,000 na kinakailangang halaga ng isang tipikal na pamilyang Pilipino para sa makapamuhay ng maayos.
Binanggit din ng grupong COURAGE sa naturang statement ang mga pagkakaiba sa klasipikasyon ng sahod na natatanggap ng mga manggagawa sa local government units (LGUs) bilang compensation.
Nananatili rin anilang pareho at hindi nadadagdagan ang sahod ng mga lowest level workers sa government-owned controlled corporations (GOCCs) alinsunod sa Compensation and Position Classification System (CPCS).
-
Magna Carta on Religious Freedom Act, pasado na sa Kamara
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang Magna Carta on Religious Freedom Act (House Bill6492) na nagbabawal sa pamahalaan o sinuman na pahirapan, bawasan, hadlangan o panghimasukan ang karapatan ng isang tao na ihayag o ipakita ang kanyang religious belief o paniniwala, maliban na lamang kung magreresulta ito sa karahasan o […]
-
Dengue sa bansa, tumaas pa sa 131%
PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 102,619 mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, ayon sa Department of Health (DOH). Mas mataas ito ng 131% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 44,361 lamang noon. Pinakamaraming kaso […]
-
Ayuda sa LGUs tiniyak ‘pag nag-lockdown sa Omicron
Magpapadala ng ayuda sa mga local government unit (LGU) na magla-lockdown ‘pag pumasok na ang Omicron variant sa bansa. Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, naghahanda na rin ang kanilang grupo sa pagdating ng nasabing COVID-19 variant. “Alam po namin na said na ang mga LGU sa ayuda para sa kanilang […]