• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magna Carta on Religious Freedom Act, pasado na sa Kamara

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang Magna Carta on Religious Freedom Act (House Bill6492) na nagbabawal sa pamahalaan o sinuman na pahirapan, bawasan, hadlangan o panghimasukan ang karapatan ng isang tao na ihayag o ipakita ang kanyang religious belief o paniniwala, maliban na lamang kung magreresulta ito sa karahasan o kinakailangan protektahan ang publiko.
Nakakuha ito ng botong 256 affirmative, isang no at tatling abstentions na magbibigay proteksyon sa karapatan ng sambayanan para sa freedom of religion na ginagarantiyahan sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution.
Inihayag ng mga awtor na nararapat na kilalanin, irespeto, pahintulutan at protektahan ang karapatan ng bawat Pilipino para gawin at ipahayag ang kanilang mga relihiyosong paniniwala.
Isa lamang ang HB 6492 sa mga panukalang batas na ipinasa ng Kamara sa unang araw ng pagbabalik ng sesyon ng kongreso sa ilalim ng pamumuno Speaker Martin Romualdez.
Alinsunod sa section 19 ng panukla, aabot sa P50,000 hanggang P2 milyong piso o pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon ang maaring ipataw na parusa sa sinumang mapatutunayang lumabag dito. (ARA ROMERO)
Other News
  • Pagpapaturok ng pneumonia vaccine, makakatulong lalo na sa mga elderly at may commorbidities

    MAGSISILBING malaking proteksiyon ang pagpapaturok ng pneumonia vaccine upang makaiwas sa peligro ng COVID-19 partikular na dito ang pagkamatay.   Ayon kay Dr Charles Yu,Vice- Chancellor, De La Salle Medical and Health Sciences Institute na karamihan ng namamatay sa COVID ay hindi naman dahil sa virus kundi dahil nagkaroon ng complicating bacterial pneumonia.   Nagsisilbing […]

  • 59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR

    WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease.     Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular […]

  • Back to work sa first project niya sa GMA-7… BEA, ‘oo’ agad ang sagot ‘pag nag-propose na si DOMINIC

    AFTER almost two years na medyo relax sa work niya si Kapuso actress Bea Alonzo dahil sa pandemic, ngayong matatapos na ang first quarter ng 2022, back to work na siya, full time.       Sinulit muna ni Bea ang ilang araw na bakasyon sa Madrid, Spain, kahit mag-isa lamang siyang nag-travel.     At […]