• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Nangyayari ngayon sa Ukraine isang ‘senseless massacre’ – Pope Francis

TINAWAG na “senseless massacre” ni Pope Francis ang kaguluhang nagaganap ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ipinahayag ito ng santo papa sa kanyang address at blessing sa St. Peter’s Square kasabay nang paghikayat sa mga pinuno ng international community na lubos na gumawa ng paraan upang pigilan ang kasuklam-suklam na digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Hindi man niya binanggit ang pangalan ng bansang Russia ay inilarawan ng papa ang ginagawa nito bilang isang senseless massacre o walang kabuluhang patayan na nagdudulot ng araw-araw na kalunus-lunos na pagkasawi at kalupitan na paulit-ulit na nararanasan ng mga indibidwal na nadadamay dito.

 

 

Nagpapatuloy pa rin kasi aniya hanggang ngayon ang pambobomba at missiles sa Ukraine kung saan ay nagiging biktima ang mga maraming sibilyan kabilang na ang matatanda, bata, at mga nagdadalang-tao na mga ina.

 

 

Samantala, kamakailan lang ay binisita ni Pope Francis ang isang ospital sa Rome kung saan ginagamot ang mga sugatang bata mula sa Ukraine nang dahil sa sigalot na nangyayari doon.

Other News
  • Kelot kulong sa pagbebenta ng bari sa Caloocan

    BINITBIT sa selda ang isang lalaki matapos bentahan ng baril ang isang pulis na nagpanggap sa Caloocan City. Pinosasan kaagad ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta si alyas “Otep” nang tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kalibre .22 na revolver na may kargang isang bala […]

  • Dating Pangulong Ramos, pumanaw sa edad na 94

    PUMANAW na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94-anyos.     Ayon sa mga lumabas na report, namatay ang ika-12 pangulong ng bansa dahil sa komplikasyon sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).     Si Ramos ay naging presidente ng bansa noong 1992 hanggang 1998.     Nagtapos ito sa U.S. Military Academy […]

  • DOTr: Inagurasyon ng 2 bagong LRT 2 stations pinagpaliban

    Pinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang inagurasyon ng 2 bagong estasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension mula sa dating April 26 at inilipat sa June 23 dahil na rin sa kagustuhan na magpatupad ng striktong health protocols.     Hindi na muna tinuloy ang inagurasyon dahil na rin sa mga bagong […]