Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs
- Published on March 23, 2022
- by @peoplesbalita
IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya sa LGUs na magpaliwanag kung bakit hindi pa nakompleto ng mga ito ang distribusyon ng financial assistance.
“Ang ginawa rin po natin sa mga LGUs na medyo mabagal ang pagbibigay ng ayuda ay pinadalhan natin ng show cause orders. Ito po ay umaabot sa 48 LGUs,” ayon sa Kalihim.
Aniya, may 16 na LGUs ay mula sa Eastern Visayas, 16 mula sa Western Visayas, 13 mula sa Central Visayas, at tatlo naman ay mula sa Mimaropa.
Tinatayang may 85.52% o P4,151,590,324 ng P4,854,356,000 cash aid funds ang naipamahagi na sa 4,010,092 benepisaryo.
Base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, “as of February 21,” ang napaulat na death toll ay 405 at 52 naman ang nawawala matapos na hambalusin ng bagyong Odette ang bansa noong Disyembre ng nakaraang taon.
May kabuuang 10,607,625 katao o 2,991,586 pamilya ang apektado ng bagyo sa 10,264 barangay.
Mayroong 2,031,824 bahay ang nawasak; 1,585,252 partially damage at 446,572 totally damage. May kabuuang P29,338,185,355 halaga ng danyos sa imprastraktura at P17,748,148,271 sa agrikultura ang napaulat. (Daris Jose)
-
Cebu-bound flights na-divert dahil sa kakulangan ng quarantine facility
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang rerouting ng overseas flights na “initially bound” sa Cebu patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Maynila ay isinagawa dahil sa kakulangan ng quarantine hotels para sa mga magbabalik na Filipino. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bilang tugon sa ulat na […]
-
“Appointed Son of God” na si Quiboloy, kayang ipagtanggol ang sarili sa Korte-Malakanyang
BILANG PRIBADONG indibidwal, kayang-kayang ipagtanggol ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang sarili sa korte. Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na ianunsyo ng United States Department of Justice (US DOJ) na pumayag na ang co-accused ni Quiboloy na makipagtulungan sa US […]
-
Heat at Spoelstra suportado ng mga Pinoy fans laban sa Celtics
BUHOS ang suporta ng mga Pinoy fans para kay Filipino-American head coach Erik Spoelstra na siyang humahawak sa Miami Heat. Sasalang sa isang ‘rubber match’ ang Heat at ang Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Conference championship series kung saan ang mananalo sa dalawang koponan ang papasok sa NBA Finals. […]