NPC, NAGHAIN NG PETISYON KONTRA COMELEC
- Published on March 24, 2022
- by @peoplesbalita
NAGHAIN ng petition for mandamus sa Korte Suprema ang National Press Club (NPC) kasama ang dalawang civil society organizations laban sa Commission on Elections (Comelec).
Kasama ng NPC ang Guardians Brotherhood at Automated Election System Watch o AES Watch , hiling nila sa Korte Suprema na atasan ang Comelec na maging mas transparent o bukas sa kanilang mga aksyon na konektado sa Eleksyon 2022.
Kasunod na rin ito nang pagbatikos na inabot ng Comelec sa kabiguang maipakita sa election watch groups at kinatawan ng mga kandidato ang pag-imprenta ng mga balota.
“While we appreciate the pronouncements of the new poll chair, Saidamen Pangarungan and the two new commissioners , George Garcia and Aimee Neri, that they are committed to transparency , the public remains apprehensive given the COMELEC’s poor track record in past elections ,” ayon kay NPC President Paul M.Gutierrez.
Umaapela rin ang NPC sa publiko na tumulong sa panawagan para maibasura ang kasunduan ng Comelec at Rappler.
“We continue to call on all Filipino s and other media groups to lend their voice in asking the COMELEC not to merely suspend, but more importantly, to scrap the MOA altogether” , ani Gutierrez.
Sinabi ni Gutierrez na isinasapinal na nila ang petisyon na isasampa rin sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang naturang kasunduan
Una nang naghain ng petisyon noong March 7 ang Office of the Solicitor General sa Korte Suprema laban sa kasunduan na maging katuwang ng Comelec ang Rappler sa Eleksyon 2022. (GENE ADSUARA )
-
‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon – DOH
Hindi pa napapanahon para huminging muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare workers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19. Iginiit ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit […]
-
COVID-19 cases, posibleng pumalo ng 11-K kada araw sa kapatusan ng Marso – experts
Posible umanong pumalo sa 11,000 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa pagsapit ng katapusan ng buwan ng Marso. Ito ngayon ang lumalabas sa bagong pagtaya o calculation ng OCTA Research group. Sinabi ni Professor Guido David na base kasi sa reproduction number ay tumaas pa sa 2.03, ibig […]
-
OSCAR®-WINNING SCREENWRITER DIABLO CODY ON “LISA FRANKENSTEIN,” A TEEN HORROR-COMEDY AND COMING-OF-RAGE ROMANCE STARRING KATHRYN NEWTON, COLE SPROUSE AND LIZA SOBERANO
“I have always toyed with themes of transformation and reinvention,” says screenwriter Diablo Cody, who catapulted onto the Hollywood stage with 2007’s “Juno,” for which she won the Academy Award, BAFTA and Critics’ Choice Award for best original screenplay. “In everything I write, someone is going through a dramatic change, whether it’s becoming possessed by […]