• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Time-out’ ng health workers ‘di napapanahon – DOH

Hindi pa napapanahon para huminging muli ng ‘time-out’ ang mga healthcare wor­kers sa bansa dahil makakaya pa naman umano ang sitwasyon sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng dinadapuan ng COVID-19.

 

 

Iginiit ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa “manageable level” pa rin ang sitwasyon sa mga ospital kahit na tumaas ang admisyon ng mga pasyente.

 

 

“When we went around nakita natin dumadami po talaga ang mga tao sa ER (emergency room), ang may mga sintomas ng COVID. Pero to say that the system is overwhelmed? No,” paliwanag ni Vergeire.

 

 

Sa kanilang pag-iikot, marami sa mga ospital ay nasa 50 porsyento pa ang avai­lable na COVID-beds para sa mga bagong pasyente.

 

 

Kung darating naman umano ang punto na kakailanganin muli na magpahinga ang mga healthcare workers para hindi naman sila ang magkasakit o bumigay ay irerekomenda naman ito ng DOH sa pamahalaan.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pa umanong ebidensya na ang mga new variants ang dahilan ng pagsirit sa mga bagong kaso ng COVID-19. Tanging nakikita nila ngayon ay ang pagpapabaya ng publiko sa ‘safety protocols’ kaya tumaas ang bilang ng mga kaso.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Mahigit 820 patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center

    NANANATILI pa ring tumutuloy sa iba’t ibang evacu- ation centers sa bansa ang nasa 207, 518 pamilya o katumbas ng 820, 030 indibidwal mula sa Regions 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.   Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec […]

  • Malakanyang, ayaw pang magbigay ng target na bilang ng mga babakunahan

    WALA pang maibigay ang Malakanyang na bilang na aabutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan.   Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukunsidera rin nila kasi ang pagtatakda ng target ng mga nasa LGU.   “Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami […]

  • 6 na atleta handa na sa pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics

    Lilisan na sa Linggo, Agusto 22 ang excited na anim na mga para-athletes ng Pilipinas sa sasalihang 2020 Tokyo Paralympics na gagawin mula Agosto 24 hanggang Septyembre 5 sa Tokyo, Japan.     Ang nasabing mga atleta ay kinabibilangan ng tig-dadalawa para sa swimming at athletics at tig-iisa naman para sa powerlifting at taekwondo.   […]