• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LEGITIMACY NG PDP LABAN MARERESOLBA

MARERESOLBA ng poll body ang legitimacy case ng PDP-Laban bago matapos ang Marso.

 

 

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa panayam na inutuan sila ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa en banc meeting noong nakaraang linggo upang mapabilis ang pagresolba ng kaso ng PDP-Laban.

 

 

“I was really hoping that we will be able to resolve this controversy involving the intra-party dispute of this party before the end of March. We should be able to do that in order to raise any doubt,” sabi ni Garcia.

 

 

Ang mga kampo nina Cusi at Pacquiao, na parehong nagsasabing sila ang mga lehitimong pinuno ng partidong pulitikal, ay nagsumite sa parehong taon ng kanilang Sworn Information Update Statement (SIUS) sa Comelec para sa May 2022 polls.

 

 

Sinabi ni Garcia na hindi siya sasali sa pagresolba ng kaso.

 

 

“I’m not participating in the deliberation or in acting on the petition, simply because I used to be a lawyer of the PDP-Laban when both camps were still united…Prudence dictates that I should not participate,” ani Garcia

 

 

Kung hihilingin aniya ang kanyang guidance halimbawa, magbibigay ito ng kaalaman o historical backgrounds  ngunit hindi siya makikibahagi, hindi naiimpluwensyahan o anuman ang kalalabasan ng kasong ito.Dapat itong mapagpasyahan nang malaya nang walang kinikilingan ng Komisyon.

 

 

Ipinahayag din ni Garcia na may tunggalian pa rin kung alin sa pagitan ng Certificate of Nomination Acceptance (CONA) ng kandidato ang dapat manaig ng dalawang partido.

 

 

Nitong Miyerkules, sinabi niya na wala pang resolusyon kung aling grupo ang dapat kabilang sa PDP-Laban bilang isang partido.

 

 

“The resolution of this controversy is so important because there’s other certain implications or collaterals that will be resolved because of the resolution of this controversy,” ayon pa kay Garcia.

 

 

Kasalukuyang nahahati ang partido pulitikal sa dalawang magkaibang paksyon: ang isa ay pinamumunuan nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao, at ang isa naman ay pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

 

Kamakailan ay nagpahayag ng suporta si Cusi sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nauna nitong sinuportahan ang kandidatura ni Senador Christopher “Bong” Go na kalaunan ay umatras. Ang isa naman ay sumusuporta sa pagkandidato sa pagkapangulo ni Pacquiao.

 

 

Nauna nang naghain ang Cusi wing noong nakaraang taon ng petisyon na humihiling sa poll body na ideklara ang pangkat ni Pacquiao bilang mga iligal na kinatawan ng PDP-Laban. GENE ADSUARA

Other News
  • Go, may buwelta naman kay Gordon

    Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador.     Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.     Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para […]

  • Kahawig ni Gil, ayon sa mga netizens… RADSON, ni-reveal na nanligaw pala kay LEXI

    NI-REVEAL ng Sparkle artist at StarStruck 7 contestant na si Radson Flores na nanligaw pala siya kay Lexi Gonzales.     Hindi naman mag-elaborate pa si Radson kung naging sila ba o basted siya kay Lexi. Ang naging comment lang ng netizens ay iisa pala ang type na guy ni Lexi. Magkahawig kasi si Radson […]

  • NAVOTAS PINASINAYAAN ANG 5 KARAGDAGANG PUMPING STATIONS

    PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ng limang karagdagang pumping stations, bagong multi-purpose building, at isang pinahusay na kalsada bilang bahagi ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas.         Ang Navotas mayroon na ngayon 81 na estratehikong lokasyon na pumping stations sa buong lungsod.   […]