• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mabilis na gumaling ang natamong right foot injury… RURU, balik-workout na parang hindi naaksidente

BALIK sa kanyang workout si Ruru Madrid na parang hindi siya naaksidente na may dalawang linggo na ang nakaraan.

 

 

Mabilis daw gumaling ang natamong right foot injury ng Kapuso hunk sa isang action scene sa pinagbibidahan nitong teleserye na Lolong. Nakakapaglakad na raw ito ng walang saklay kaya nabigyan siya ng clearance ng doktor na mag-workout na ulit pero kailangan mag-ingat pa rin daw ito.

 

 

Sa kanyang Instagram ay nag-share na si Ruru ng photos and videos na nasa gym na ito kasama ang kanyang fitness trainer.

 

 

Caption pa niya: “The comeback is always stronger than the setback.”

 

 

At siyempre, hindi mawawala ang pagpapakita ni Ruru ng kanyang six-pack abs na ikinatuwa ng maraming beki netizen.

 

 

Noong maaksidente si Ruru at nagkaroon ng hairline fracture sa kanyang right foot, nag-worry daw ito dahil muling matitigil ang lock-in taping nila na limang araw na lang daw ay matatapos na sila. Kaya pinilit ng aktor na gumaling agad para makabalik na silang lahat sXa taping at matapos na ang Lolong na matagal nang hinihintay ng mga followers ni Ruru.

 

 

Kaya nagpalakas ng katawan at mas magiging maingat na raw si Ruru para hindi na maulit ang aksidente sa set.

 

 

***

 

 

HINDI lang sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez ang nagpapakilig sa mga televiewers ng First Lady gabi-gabi. Inaabangan na rin sa naturang teleserye ang bagong loveteam nina Thou Reyes at Muriel Lomadilla bilang sina Yessey ay Bevs. Ang tawag sa loveteam nila ay BevSSey.

 

 

Kilig ang hatid ng dalawa tuwing may mga eksena silang nag-aaway pero malagkit ang tingin nila sa isa’t isa. Si Yessey na chief of staff ni President Glenn Acosta at si Bevs na fellow OFW ni Melody ang siyang nag-aalaga na sa tatlong anak ni PGA na sina Nina (Cassy Legaspi), Nathan (Clarence Delgado), at Nicole (Patricia Coma).

 

 

Nadiskubre nina Thou at Muriel na may chemistry pala silang dalawa sa harap ng kamera. Naging close sila noong magsimula ang lock-in taping ng First Lady last year.

 

 

Comment ng ilang netizens ay bagay sina Yessey at Bevs. Inaasahan nila na mag-develop ang love story ng dalawa na para lang PGA at Melody ang dating.

 

 

Si Thou ay former child actor at produkto ng kiddie-teen variety-gag show na Ang TV, samantalang si Muriel ay kasama sa first batch of contestants ng The Clash ng GMA-7.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Construction worker na top 3 most wanted ng Malabon, nasilo

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang construction worker na nakatala bilang top 3 most wanted sa kasong robbery with homicide matapos masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong akusado na kinilala bilang si Redentor Rodaste, 27 ng Sitio Gulayan, […]

  • Mga miyembro at pensioners na apektado ng lindol, maaaring mag-avail ng emergency loan mula sa GSIS

    MAAARING mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng state-run pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) na apektado matapos tumama ang magnitude 7 earthquake sa Abra at naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon kabilang sa Metro Manila.     Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, titiyakin nila na ang mga […]

  • KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

    ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]