100 pekeng accounts na pag-aari ng pulis at military sa Pilipinas, binura sa Facebook
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Facebook kung saan mahigit 100 pekeng accounts ang na-trace na pag-aari ng police at military units ng Pilipinas ang tinanggal dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB).
“We leave to the sound judgment and discretion of the popular global social networking company,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa kabilang banda, tiniyak naman ni Sec. Roque na kaisa sila sa pagtataguyod sa katotohanan at pagbasura sa disinformation, kasinungalingan at pagkamuhi.
“We hope the social media giant would exercise prudence in all its actions to remove any doubt of bias given its power, influence and reach,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, sa isang online press conference, sinabi ni Facebook cybersecurity policy chief Nathaniel Gleicher na karamihan sa content ng mga pekeng accounts na mina-manage ng mga taong konektado sa iba’t-ibang police at military agencies, ay puro mga kritisismo ng oposisyon, aktibismo, at komunismo.
Ayon kay Gleicher, ang domestic network ay binubuo ng nasa 57 Facebook accounts, 31 pages, at 20 instagram accounts.
Ang sites ay mayroong mahigit 276,000 followers sa Facebook at 55,000 naman sa Instagram.
Aniya, pinaka active ang network simula 2019 noong nasa kasagsagan ng usapin ang Pilipinas tungkol sa Anti-Terrorism Act.
Dagdag pa ni Gleicher, ang Philippine-based operation, ang ikalawa sa dalawang networks na engaged sa coordinated inauthentic behavior na layuning makipag-ugnayan sa mga Pilipino sa Southeast Asian region.
Habang ang unang network naman ay na-trace na pinapatakbo ng isang grupo ng mga indibiwal sa Fujian province sa China.
Ang mga pekeng accounts at pages, ayon kay Facebook head of security policy Nathaniel Gleicher, ay na-trace sa ilang indibidwal mula sa Fujian Province of China.
Kabilang sa binura ang mga hindi tunay na accounts at pages na sumusuporta sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa posibleng presidential bid ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sinabi ni Gleicher na nagpopost ng mga impormasyon sa mga pekeng Facebook pages at accounts sa wikang Chinese, Filipino at English. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk
TUMAAS sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health […]
-
Bagong Omicron subvariant ng COVID-19 posibleng magdulot ng bagong surge – OCTA
NAGBABALA ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas. Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa […]
-
LIVELIHOOD ASSISTANCE SA MGA NAVOTEÑOS
UMABOT sa 673 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang P1,000 cash aid sa unang araw ng payout ng pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng livelihood assistance sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program. Kabilang dito ang 38 jobseekers na nagtapos noong 2020-2021; 339 displaced workers; 25 delivery rider; 65 jeepney drivers; anim na […]