• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Commissioner Garcia ‘nagmamaka-awa’ sa NBI na ilabas na finding sa ‘data breach’ sa Smartmatic

NANAWAGAN sa National Bureau of Investigation (NBI) si Comelec Commissioner George Garcia na ilabas na ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa umano’y security breach sa automated election system ng Smartmatic.

 

 

Ayon kay Garcia, hanggang sa ngayon ay hindi pa natatanggap ng Comelec ang report sa imbestigasyon ng NBI kaya hindi rin nila magawang ma-update ang publiko patungkol dito, at hindi rin sila makakilos sa kung ano ang mga posibleng hakbang ang dapat na susunod na gawin ng poll body kung sakali man.

 

 

Habang hinihintay aniya ang findings ng NBI, tiniyak ni Garcia na secure ang automated election system.

 

 

Pero kailangan pa rin aniya na maghanda ang Comelec ng isang backup plan sa anumang sitwasyon na posibleng mangyari.

 

 

Nauna nang sinabi ni Sen. Imee Marcos, chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms, na maaring nakompromiso ang personal information, ledgers, office photos, at contact persons sa Comelec dahil sa sinasabing Smartmatic data breach.

 

 

Pero magugunita naman na sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms noong Lunes na sinabi ni Smartmatic spokesperson Atty. Christopher Louie Ocampo na hindi na-hack ang kanilang system at ang nalalapit na halalan ay mananatiling 100 percent safe at secure.

Other News
  • Kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model

    Biglang naging kuya ng mga bagong Kapuso stars si Kristoffer Martin sa lock-in taping nila ng aabangan na teleserye titled Babawiin Ko Ang Lahat.   Nanibago raw si Kristoffer dahil nasanay siyang mga kaedad niya o mas may edad sa kanya ang mga nakakatrabaho niya sa teleserye. Ngayon daw ay tawag sa kanya ay “kuya” […]

  • NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

    Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.   Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan […]

  • Libo-libong seafarer, nanganganib mawalan ng trabaho

    Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong seafarer matapos madiskubre na 61 maritime school sa bansa ay bigong sumunod sa itinakdang regulasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) convention.   Natuklasan ito sa pakikipagpulong ni Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzalez sa Maritime Industry Authority (MARINA) kung saa’y sa report ng […]