• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libo-libong seafarer, nanganganib mawalan ng trabaho

Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong seafarer matapos madiskubre na 61 maritime school sa bansa ay bigong sumunod sa itinakdang regulasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) convention.

 

Natuklasan ito sa pakikipagpulong ni Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzalez sa Maritime Industry Authority (MARINA) kung saa’y sa report ng naturang tanggapan ay nakasaad na 61 mula sa kabuuang 91 maritime schools sa bansa ang inirekomendang ipasara.

 

Dahil ito sa pagiging non-compliance sa itinakdang standards ng STCW convention na sumasaklaw sa maritime education, training at certification.

 

Ayon sa kongresista, ang Pilipinas ay kasalukuyang isinailalim sa audit ng European Maritime Safety Agency (EMSA) para sa STCW compliance at oras na ito’y madiskubre, tiyak malalagay sa panganib ang trabaho ng libo-libong seafarer dahil maaring hindi na kilalanin at tanggapin ng European Union ang certificate ng Filipino seafarer.

 

Naniniwala si Gonzalez na ang Commission on Higher Education at MARINA ang may responsibilidad sa mga maritime school alinsunod sa Executive Order No. 63, Series of 2018.

 

Dahil dito, magpapatawag ng imbestigasyon si Gonzalez ukol sa usapin.

Other News
  • ‘Kristine’ posibleng maging super typhoon

    PINANGANGAMBAHANG aabot sa 30 milyong indibidwal habang 18,000 barangay ang lulubog at pagguho ng lupa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang maapektuhan ng Tropical Depression Kristine.     Ito’y ayon kay Office of Civil Defense (OCD) administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno kahapon bunsod ng pangamba na maging super typhoon ang bagyong Kristine.     Ayon […]

  • Pagtanggap ni Vanessa Bryant sa Hall of Fame award ni Kobe naging emosyunal

    Naging emosyonal si Vanessa Bryant ng tanggapin nito ang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame para sa pumanaw na asawang NBA legend Kobe Bryant.     Kasama niya sa stage si NBA superstar Michae Jordan.     Kahit na hindi na nagsalita si Jordan ay naging mahalaga ang presensiya nito sa taas ng stage dahil […]

  • Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan

    Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.     Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na […]