• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Back to work sa first project niya sa GMA-7… BEA, ‘oo’ agad ang sagot ‘pag nag-propose na si DOMINIC

AFTER almost two years na medyo relax sa work niya si Kapuso actress Bea Alonzo dahil sa pandemic, ngayong matatapos na ang first quarter ng 2022, back to work na siya, full time.  

 

 

Sinulit muna ni Bea ang ilang araw na bakasyon sa Madrid, Spain, kahit mag-isa lamang siyang nag-travel.

 

 

At sa pagbalik niya sa bansa, last Friday, March 25, ini-launch na siya as the official brand ambassador ng Beautederm’s Reiko Slimaxine at Reiko Fitox.

 

 

Ginanap ang contract signing niya with CEO and President of Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.  Sa presscon, inamin ni Bea na when she turned 30, medyo nag-isip na siya kung paano niya ma-maintain ang kanyang health, kaya sumunod siya sa right time of sleep, exercise, at kahit mahilig daw siyang kumain, lagi niyang sinisiguro na tama ang kanyang mga kinakain.

 

 

Hanggang sa i-offer sa kanya ni Ms. Rhea na maging ambassador ng Reiko Fitox & Slimaxine, at ito raw ang nakatulong sa kanya, kahit paminsan-minsan ay mapasarap ang kain niya ay madi-detox naman para patuloy siyang maging healthy.

 

 

Sa interview after the launch, natanong din si Bea, kung wala pa silang balak magpakasal ng boyfriend na si Dominic Roque.  

 

 

“Of course, kung sakaling mag-propose si Dom, okey agad ang sagot ko, pero sa ngayon na back to work na ako sa first project ko sa GMA Network, iyon muna ang uunahin ko, kasi matagal na rin kaming naghihintay ni Alden (Richards) na masimulan ang teleserye namin.”

 

 

Back to work na nga sina Bea at Alden.

 

 

Last Saturday, March 26, pinasaya muna ni Alden ang mga fans nila ni phenomenal star Maine Mendoza, nang mag-appear siya sa live presentation ng Eat Bulaga, na nagkataong 10th anniversary ng ini-endorse nilang online selling app na Lazada.

 

 

Hindi na tinapos ni Alden ang EB dahil 3PM naman ang story conference at script reading nila ng cast ng Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up, na makakasama rin nila sina Ms. Gina Alajar, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Kim Domingo, Boy 2 Quizon and others.

 

 

The series will be directed by Jerry Sineneng.  At sa Friday, April 1, simula na ng kanilang  semi-lock-in taping, dahil narito lamang sa Metro Manila ang location nila.

 

 

Magpa-RT PCR test sila at straight 3 days taping sila then rest for two days.  Magkakaroon sila ng lock-in taping kapag nasa labas na ng Metro Manila ang location nila.

 

 

***

 

 

PANSIN daw na blooming si Kapuso actress Bianca Umali na kitang-kita ito sa GMA Primetime Telebabad na Mano Po Legacy: Her Big Boss. 

 

 

Hindi kaya dahil sa character niyang lagi siyang nakatawa at masaya?

 

 

Tinanong nga raw si Bianca ng Mama Vi niya, ang lola niyang nagpalaki sa kanya matapos mamatay ang parents niya, kung meron na raw ba siyang minamahal, iyong makakasama niya talaga sa buhay.

 

 

      “Hahanapin ko nga iyon, Mama,” sagot ni Bianca.  “Pero sa tingin ko, ‘yung bagay na iyon, hindi naman minamadali.  Iyon ang turo ninyo sa akin, di ba?”

 

 

Mas focus pa rin daw si Bianca sa kanyang career, lalo ngayon na enjoy na enjoy siya sa role ni Irene Pacheco sa serye na pinagtatambalan nila ni Ken Chan.  

 

 

Kaya mukhang malabo pa rin kung si Ruru Madrid na nga ang kanyang special someone na makakasama niya hanggang sa huli.

 

 

***

 

 

WELCOME back to broadcaster Mike Enriquez, dahil simula ngayong Monday, March 28, muli na siyang mapapanood, fresh from the three-month isolation period pagkatapos ng kanyang kidney transplant surgery last December, 2021.

 

 

Matagal daw pinag-isipan ni Mike kung babalik pa siya sa broadcasting o hihinto na siya?

 

 

      “This is one of my prayers to the Lord, I kept telling him, Lord, please let me be well enough in time for the election coverage. And He answered my prayer. And I’m sure of one thing.  I want to slow down without leaving broadcasting.”

 

 

Mapapanood na si Mike ngayong umaga, sa kanyang radio program sa DZBB/GTV at 7AM, at sa 24 Oras at 6:30PM, sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)      

Other News
  • Isko at Honey naghanda vs Delta variant

    Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.     Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng […]

  • Atty. Michael Poa, nagbitiw na bilang tagapagsalita ng OVP

    TULUYAN nang nagbitiw bilang tagapagsalita ng Office of the Vice President si Atty. Michael Poa.     Kinumpirma ito ni Poa sa naging pagharap nito sa pagdinig ng House Good Government and P[ublic Accountability sa paggamit ng OVP budget at sa isyu ng confidential funds.     Ayon kay Poa, hindi na siya konektado sa […]

  • Senator Jinggoy Estrada, kumambiyo sa ban sa K-drama

    NILINAW ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang balak maghain ng panukalang batas para ipa-ban ang mga ­Korean dramas sa bansa at nais lamang sana niya na unahin ang mga Filipino ­talents na tangkilikin upang magkaroon sila ng trabaho.     Inamin din ni Estrada na naihayag lamang niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga […]