• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert Level 0 ‘di na kailangan – DTI

HINDI NA kailangan ng bansa na ibaba ang CO­VID-19 status nito sa Alert Level 0 dahil “totally open” o bukas na ang ekonomiya, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

“Sa amin ho, hindi na kailangan mag-Alert Level 0 kasi bukas, totally open ang economy eh. Napag­usapan namin sa IATF (Inter-Agency Task Force) for a while ‘yan at coming from the economic team, nakikita natin open naman ang economy,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa Super Radyo DZBB .

 

 

Aniya, ilang mga lugar na ang nasa Alert Level 1 ngayon, bumalik na rin sa 100% ang operasyon ng mga negosyo, maging ang sektor ng Turismo ay bukas na rin sa local at foreign tourists.

 

 

Kabilang sa nasa Alert Level 1 ang Metro Manila at 47 iba pang lugar mula Marso 16 hanggang Marso 31.

 

 

“Itong Alert 1, nandun na tayo. Ang pinagkaiba na lang ng Alert Level 0 ay ‘yung mask. ‘Yun na lang nakikita namin eh, so hindi na kailangan for us,” paliwanag niya.

 

 

Sinabi pa ni Lopez na hindi nila inirerekomenda ang pag-aalis ng face masks kahit patuloy na sa pagbaba ang mga bilang ng kaso ng COVID-19 infections.

Other News
  • ‘Parang Kayo, Pero Hindi’, Vivamax’s First Original Series

    VIVAMAX, the country’s one-stop entertainment hub for every Filipino, is starting 2021 with a bang as it presents its first Vivamax Original Series, PARANG KAYO PERO HINDI, starring Marco Gumabao, Kylie Verzosa and Xian Lim.     It is directed by RC Delos Reyes, director of Love the Way U Lie and Alter Me.       […]

  • DoH Sec. Duque at ex-PhilHealth chief Morales, iba pa, pinakakasuhan

    Inilabas na ng Senado ang kanilang committee report ukol sa isinagawang mga pagdinig ukol sa mga katiwalian sa PhilHealth.   Batay sa 57 pahinang ulat na inilabas ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pinasasampahan nila ng criminal charges sina Health Sec. Francisco Duque III, dating PhilHealth President/CEO Ricardo Morales at iba pa.   Bunsod […]

  • Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang

    PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila.   Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na.   “At […]