Turismo sa Tagaytay malakas pa rin sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal Volcano
- Published on March 29, 2022
- by @peoplesbalita
NANANATILI RAW malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalboroto ng Taal Volcano.
Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan.
Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago at pagkatapos ang pagsabog ng bulkan noong Sabado ng umaga.
Dagdag ni Batongbacal ang mga government agencies at local authorities naman daw ay naka-standby kasunod na rin ng pagsabog ng naturang bulkan noong Enero 10, 2020.
Ang disaster control at management at mga local government units (LGUs) ay nakaantabay naman daw kung anuman ang mangyari sa Batangas.
Kasunod nga ng pagsabog ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 3 status sa bulkan.
Kahapon nang maitala ang dalawang dalawang minor phreatomagmatic eruptions ang naitala sa Taal Volcano sa Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS) director at Science Undersecretary na si Renato Solidum, ang maliliit na pagsabog na ito ay nagbuga ng nasa 400 hanggang 800 meters na taas ng plume kaninang alas-4:34 hanggang alas-5:04 ng madaling araw.
Wala na rin naman aniyang naitala pang kasunod pero pinapakita lamang ng Taal Volcano na puwede pa rin ito magkaroon ng pagsabog kaya kailangang bantayan.
Sa mga naitalang minor eruptions ngayong araw, sinabi ni Solidum na posibleng mayroon kasamang abo ang mga ito. (Daris Jose)
-
Lola na ‘tulak’, 1 pa kulong sa P210K droga sa Caloocan
MAHIGIT P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang 62-anyos na lola matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Emey’, 62 ng Morong Rizal at alyas […]
-
‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa
ANG “house-to-house/person-to-person” na pangangampanya ng mga taga-suporta ng tambalang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes. Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad. […]
-
KAKULANGAN SA PINASIYAL, SA SOCIAL MEDIA PUWEDE NANG MANGAMPANYA
SINABI ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia nitong Huwebes na maaring i-maximize ng mga financially constrained aspirants para sa 2025 midterm elections ang mga bagong teknolohiya o social media platforms para ikampanya ang mga boto. Ito ay makaraang ihayag ng Comelec na walang sinumang mag-aagawan para sa isang elective position sa darating na […]