• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lola na ‘tulak’, 1 pa kulong sa P210K droga sa Caloocan

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang 62-anyos na lola matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Emey’, 62 ng Morong Rizal at alyas “Saya”, 20 ng Malabon City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsagawa ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Tangke Road, Brgy. 157 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang isang P500 bill marked money na may kasamang anim na P6,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang dinakip ng mga operatiba dakong alas-10:08 ng gabi.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 31grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P210,800.00, buy bust money at itim na coin purse.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Rizal Memorial pansamantlang isasara dahil sa isasagawang decontamination

    Pansamantalang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex ngayong sa loob ng isang araw para sa isasagawang decontamination.   Sa isang panayam, sinabi ni ‘Hatid Tulong” initiative head Asec. Joseph Encabo, isasailalim sa lockdown simula alas-9:00 ng umaga ngayong Hulyo 30, 2020 ang buong complex.   Ito ay matapos na mamalagi doon sa mga nakalipas na […]

  • PBBM, personal na nakiramay sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo

    PERSONAL na nakiramay si  Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.     “I just came here here para makiramay sa family ni governor. Nagtatanong lang kami kung ano ba yung kailangang gawin para matulungan yung mga biktima pati yung mga nasa ospital ngayon,” ayon sa Pangulo. […]

  • Ads January 24, 2020