• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, tumanggap ng parangal bilang Best Performing LGU

LUNGSOD NG MALOLOS- Hinirang ang Lalawigan ng Bulacan bilang isa sa mga Best Performing Local Government Unit sa kategoryang Total Doses Administered noong National Vaccination Days sa ginanap na Recognition of the Best Performing Local Government Units on Safety Seal Certification Program, VaxCertPH Program, and National Vaccination Days sa Main Mall Atrium, SM Mall of Asia, Lungsod ng Pasay noong Lunes.

 

 

Sa isang recorded na mensahe, binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga kinilalang lokal na pamahalaan para sa kanilang pagsisikap na maisulong ang isang mas malusog at mas ligtas na Pilipinas.

 

 

“This distinction attests to local leaders’ commitment to safeguarding the health and overall wellbeing of our citizens. May you inspire other LGUs to work even harder in promoting the welfare of the general public including tourists visiting our country,” anang pangulo.

 

 

Ibinahagi ni Testing Czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vivencio Dizon na nakapagbakuna na ang Pilipinas ng higit 140 milyong dosis ng bakuna sa buong bansa. Gayundin, inanunsyo niya na 65 milyong Pilipino na ang kumpleto ang bakuna at 12 milyon ang nakatanggap na ng booster shot.

 

 

“We have seen that the vaccination program was really the game changer. If we did not come together as one, we would not be here today. Dapat nating pasalamatan ang ating mga kapwa Pilipino, lalo na ang mga nagpabakuna,” ani Dizon.

 

 

Samantala, pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang Department of the Interior and Local Government at ang National Task Force on COVID-19 para sa pagkilala at sinabi na ipagpapatuloy ng lalawigan ang paghihikayat sa mga Bulakenyo na magpabakuna.

 

 

“Lubos po ang ating pasasalamat sa pagkilalang ating natanggap. Makakaasa po ang ating pamahalaang nasyunal na patuloy ang ating suporta sa kanilang mga programa at proyekto lalo na para ito sa kapakanan ng ating mga kalalawigan,” anang gobernador.

 

 

Noong Marso 21, 2022, nakapagbakuna na ang Lalawigan ng Bulacan ng kabuuang bilang na 4,861,249 dosis ng bakuna laban sa COVID. Sa numero na ito, 2,217,883 na Bulakenyo na o 73.59% ng Eligible Population na ang kumpleto ang bakuna, habang 502,592 ang tumanggap ng kanilang booster dose.

Other News
  • Malaking bagay na si Yam ang director ng movie: FRANKI, palaban din sa hubaran at nakipagsabayan kina KIKO at JAY

    MARAMI ang nakapansin sa isa sa mga Instagram post ni Heart Evangelista na tila ang payat na raw talaga nito ngayon.     Although, sa buong showbiz career naman yata ni Heart, never namin siyang nakitang tumaba, huh.     Pero medyo kapansin-pansin nga ang mas malaking ibinawas ng timbang ni Heart. Na even her […]

  • Expanded Solo Parents, batas na

    BATAS na ang Expanded Solo Parents Welfare Act matapos mag “lapse into law” kung saan nadagdagan ang mga benepisyong matatanggap sa gobyerno ng mga solo parents.     Sa ilalim ng Republic Act 11861 na nag-aamiyenda sa ilang probisyon ng Republic Act 8972, lumawak ang mga pribilehiyo at benepisyo sa mga solo parents.     […]

  • Sa pagtanggap na maging host ng revamped ‘Eat… Bulaga!’… ISKO, nagpasintabi kina TITO, VIC at JOEY bilang pagrespeto

    SA Marites University na nagpaunlak ng kanyang unang interview si Yorme Isko Moreno simula nang siya ay maging regular host na ng revamped ‘Eat…Bulaga!’       Sinagot naman ni Yorme ang halos lahat ng tanong na ibinato namin sa kanya. At malinaw rin na nailahad niya na Tuesday last week, after sa unang araw […]