• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malaking bagay na si Yam ang director ng movie: FRANKI, palaban din sa hubaran at nakipagsabayan kina KIKO at JAY

MARAMI ang nakapansin sa isa sa mga Instagram post ni Heart Evangelista na tila ang payat na raw talaga nito ngayon.

 

 

Although, sa buong showbiz career naman yata ni Heart, never namin siyang nakitang tumaba, huh.

 

 

Pero medyo kapansin-pansin nga ang mas malaking ibinawas ng timbang ni Heart. Na even her face, sobrang liit na at ang braso niya.

 

 

Pero pwede rin naman na ito ang ina-achieve ni Heart dahil nga sa career niya ngayon sa fashion.

 

 

Pero bukod daw sa tila mas pagiging slim ni Heart ngayon, hindi nakalagpas sa paningin ng ilang netizens ang tila lungkot daw sa aura at mga mata ni Heart.

 

 

Ilan sa mga comment kay Heart, “Too thin now, Heart. Take care of yourself and have yourself checked-up. I hope you value yourself first.”

 

 

“Some sadness in your eyes, Hearty.”

 

 

***

 

 

PALABAN din pala talaga ang VIVA artist na si Franki Russell.

 

 

Palaban din ito sa hubaran at mga bed scene.

 

 

Ganito ang mapapanood sa mga eksena niya sa bagong movie, ang “Laruan” kunsaan, she shared intimate and daring moments with Kiko Estrada and Jay Manalo.

 

 

Twisted at baliw-baliwan lang ang character na ginagampanan ni Franki. Sa totoo lang, mahirap maitawid ang role niya at hindi lahat ng artistang babae, kakayanin ito.

 

 

Kaya isa kami sa nasurpresa kay Franki. Second movie pa lang niya ang “Laruan” sa VIVA max pero ibang-ibang Franki na ang pinakita niya. Ngayon din namin naintindihan kung bakit niya nasabi na how she wished, it’s “Laruan” as her launching movie instead of “Pabuya”.

 

 

Malaking bagay si Yam Laranas na siyang director ng movie.

 

 

Sabi ni Franki, “I’m a fan of Direk Yam. Napanood ko mga movies niya. Kaya noong malaman ko na siya ang director, yes naman, I feel so honored to be directed by Direk Yam.”

 

 

Feeling din ni Franki, nailabas talaga ng movie ang best side raw niya as an actress.

 

 

Sabi pa niya about their director, “I asked a lot about his approach when it comes to his directing and everything has exceeded my expectations, and yeah, it was really funworking on set with him and everybody.”

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Iglesia ni Cristo (INC), opisyal na inendorso ang BBM-Sara tandem

    OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.     Inanunsiyo Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng […]

  • LTO puspusan ang ginagawang hakbang para maresolba ang singil lisensiya at mga driving schools

    PUSPUSAN na ang ginagawang mga hakbang ng Land Transportation Office (LTO) para maresolba ang problema ng mga kumukuha ng kanilang driver’s license partikular ang singil sa mga driving school.     Sa pahayag ni LTO Chief Asec. Jay Art Tugade sa pagdalo nito sa Balitaan sa Tinapayan, nakumpleto na ng binuo niyang komite ang pagrereview […]

  • Pagbaba ng satisfaction rating ni Pdu30, hindi alarming- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa 75% base na din sa inilabas na survey ng SWS.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit […]