• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mojdeh nilangoy ang gold medal sa Finis Swim Series

INILATAG ni national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang matikas niyang porma para masungkit ang gin­­tong medalya sa girls’ 100-meter breaststroke sa 2022 Fi­­nis Short Course Swim Series-Luzon Leg kahapon sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

 

 

Nagrehistro ang 15-anyos na si Mojdeh ng isang minuto at 15.07 segundo para gapiin si Filipino-British Heather White na nagtala ng 1:22.30.

 

 

“Nakaisa rin po. Okey naman po basta tuluy-tuloy lang ang ensayo at kompetisyon. Malakas talaga si White (Heather). Bawi na lang po ako next time,” ani Mojdeh na pambato ng Brent International School.

 

 

Tuloy rin ang matikas na ratsada ni Hugh Antonio Parto ng Quezon Killerwhale Swim Team na nasungkit ang ikali­mang gintong medalya sa torneo.

 

 

Pinagharian ni Parto ang boys’ 15-16 50m butterfly sa bilis na 26.54 segundo para pataubin sina Tim Capulong (26.90) at Mikos Trinidad  (27.98).

 

 

Nakaginto pa si Parto sa 50m freesytle nang magtala si­ya ng tiyempong 25.48 segundo.

 

 

“Masayang masaya po. Iyong target ko na malagpasan iyong personal best ko sa SLP meet, higit pa ang nakuha kong resulta. Nagpapasalamat po ako kay coach Virgil (De Luna) sa paggabay at sa suporta ng mga teammates ko. Siyempre, sa pamilya ka na all-out sa aking career at school,” wika ni Parto.

 

 

Wagi rin ng gintong medalya sina Marcus De Kam sa boys’ premier 17-18 50m butterfly (25.55), Ken Lobos sa boys’ 17-18 100m breaststroke (1:04.14), Ruben White sa boys’ 50m freestyle (23.46) at John Neil Paredes sa boys’ 100m IM (59.75).

 

 

Nakahirit din ng ginto sina Chelsea Borja sa girls’ 11-12 50m back (37.59), Cassandra Barretto sa girls’ 13 50m back (21.22), Trixie Ortiguerra sa girls’ 15 50-meter back (30.76); Be­nito De Mesa sa boys’ 7 50m IM (2:12.16) at Mishael Aji­do sa boys’ 13 50m IM (1:04.30).

Other News
  • Pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal, gugulong na sa Kamara

    TATALAKAYIN na ng House committee on legislative franchise ang mga panukalang batas pagdating sa pagbabago ng prangkisa ng ABS-CBN Corp., sa susunod na Martes ganap na ala-una ng hapon sa Belmonte Hall ng South Wing Annex.   Kasama sa mga tatalakayin ng panel sa ika-10 ng Marso ay ang 11 nakatenggang panukala pagdating sa renewal […]

  • Ads October 17, 2022

  • Sa pag kuha ng student driver’s license – huwag negosyo ang ipairal!

    KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng April, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay dadaan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency.   Sa plano din ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang […]