• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal, gugulong na sa Kamara

TATALAKAYIN na ng House committee on legislative franchise ang mga panukalang batas pagdating sa pagbabago ng prangkisa ng ABS-CBN Corp., sa susunod na Martes ganap na ala-una ng hapon sa Belmonte Hall ng South Wing Annex.

 

Kasama sa mga tatalakayin ng panel sa ika-10 ng Marso ay ang 11 nakatenggang panukala pagdating sa renewal ng franchise, ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa press briefing kahapon (Miyerkules) sa napagkasunduan nila sa pulong na ginawa kasama si Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez at 5 Vice Chairmen ng komite na umpisahang ilatag ang mga rules sa prangkisa ng broadcast network.

 

Nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng network, na pag-aari ng mga Lopez, sa ika-4 ng Mayo 2020.

 

May tatlong layunin ang gagawing pagdinig kung saan: una ay para matiyak na ang lahat ng mga position papers ng mga anti at pro sa renewal ay hawak na ng komite; ikalawa ay matiyak sa National Telecommunications Commission (NTC) para maging malinaw na may nakabinbin na franchise bill na dinirinig sa kamara at magpapalabas ito ng provisional authority upang masigurong hindi mag-off the air ang ABS-CBN; at ikatlo ay ilatag ang rules na susundin sa pagdinig upang hindi maging isang circus.

 

Hindi pa naman pahaharapin sa meeting ang mga opisyal ng ABS-CBN dahil posibleng mabitin ito at tumindi ang hidwaan ng mga tutol at sang-ayon sa prangkisa bunsod ng nakatakdang session break para sa Holy week.

 

“Yung ground rules ay kailangan na ilatag upang hindi maging bull session ang magiging hearing sa franchise renewal ng ABS-CBN, we will define the issue para hindi maging circus at wala yung may mga sumisipsip at mayroon naman na mga anti na mag iingay” paliwanag ni Cayetano.

 

Tiniyak din ng House Speaker na bahagi ng prayoridad ng kamara ang ABS-CBN franchise bills gayunman may mga “urgent” measures na mas kailangang unahing ipasa.

 

Isang buwan na ang nakalilipas nang sabihin ni Palawan Rep. Franz Alvarez na sinimulan na nila ang proseso pagdating sa proposed measures sa pamamagitan ng paghingi ng mga position papers sa mga pabor at tutol sa renewal ng legislative franchise.

 

Taong 1995 pa nang huling makakuha ng 25-taong prangkisa ang ABS-CBN.

 

Maliban sa isyu ng mabagal na pagdinig sa mga panukalang franchise renewal, na magsisimula dapat sa Kamara, matatandaang naghain ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa pag-asang babawiin ng Korte Suprema ang prangkisa ng kumpanya.

 

Inirereklamo kasi ni Calida ang diumano’y isyu ng dayuhang pagmamay-ari sa kumpanya, na ipinagbabawal ng 1987 Constitution, at pagpapatakbo raw ng ABS-CBN sa KBO channel kahit na “walang permit” mula sa National Telecommunications Commission. (Ara Romero)

Other News
  • Saunders sasailalim sa operasyon sa mata matapos ang pagkatalo kay Alvarez

    Nanganganib na matapos na ang boxing career ni Billy Joe Saunders matapos ang pagkatalo nito kay Canelo Alvarez.     Nagtamo kasi ang 31-anyos na si Saunders ng matinding pinsala sa kaniyang kanang mata matapos ika-walong round na pagkatalo nito kay Alvarez.     Agad na itinakbo naman sa pagamutan si Saunders matapos ang laban […]

  • Opisyal nang residente ng Spain ang family niya: BEA, three weeks na magbabakasyon kasama si DOMINIC sa iba’t ibang lugar

    SA Instagram ipinaabot ni Direk Mark Reyes ang ‘Congratulations!’ kay Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid pagkatapos ng pilot telecast ng “Black Rider”.       “Nice to see you and Kylie Padilla together on screen again,  See you both sa Lireo very soon for “Encantadia Chronicles: Sang-gre.” Hasne Evo Live Rama Ybrahim”     Sinagot […]

  • TWO PINOY ARTISTS WIN IN “MORBIUS” GLOBAL FAN ART COMPETITION

    COLUMBIA Pictures is happy to announce that two Filipino artists are among the five winners of the just-concluded Morbius – Talenthouse Fan Art Global Competition.   The winning Pinoy artists are Adriann Delmo and Jireh Villafuerte (aka Kyouzins) whose entries captured the essence of the Marvel legend, Morbius.  Lead actor Jared Leto himself selected the […]