7 pinay na biktima ng human trafficking, nasabat ng immigration
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
PINIGIL ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Intrnational Airport (NAIA) ang pito na mga babaeng Pinay na makalabas ng bansa patungong United Arab Emirates dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) na nasabat ang mga babaeng Pinay noong Septemeber 17 sa immigration departure area sa NAIA Terminal 1 habang ang mga ito ay papasakay na sa Philippine Airlines (PAL) biyeheng Dubai.
Tatlo sa kanila ay kinuha na magtrabahi bilang mga caregivers sa Emirate habang ang apat ay ni-recruit na magtrabaho blang mga market- ing at sales agents sa iang interior design company.
Ayon kay BI-TCEU Chief Ma. Timotea Barizo na ang mga babaeng Pinay ay nagtangkang umalis ng Pilipinas na nagpanggap na mga first time na mga overseas Filipino workers pero nasuri sa kanilang mga dokumento na kahina-hinala.
“Verification made on the overseas employment certificates (OECs) they presented revealed that some of them are not in the records of the Philippine Overseas Employment Administrtion (POEA), while the others appear to have been issued to other persons,” ayon kay Barizo.
Lumalabas na ang kanilang UAE visas ay mga tourist visa sa Dubai at hindi upang magtrabaho.
Hindi muna pinangalanan ang nasabing mga babaeng Pinay at i- turnover sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa assistance at maibestigahan.
Dahil dito, muling nagpaalala si Morente na mga gustong magtrabaho s aiabng bansa na huwag makipag-transaksiyon sa mga illegal recruiters.
“We were told that these intercepted victims all said that they met their handlers and recruiters via social media and that their travel papers were only handed to them a few days before their scheduled flights,” Morente noted. “They did not know that these fraudulent papers could result in interception by our officers.”
“These traffickers are taking advantage of our kababayan who need jobs during the pandemic,” ayon kay Morente. (Gene Adsuara)
-
P23.96M pinsala ng M6.6 lindol sa Masbate – DPWH
Tinatayang aabot sa P23.96 milyon ang pinsala sa imprastraktura na dulot ng magnitude 6.6 lindol sa Masbate, batay sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Kasama sa napinsala ang ilang mga daan na P5.64 milyon; P8.96 milyon sa tulay; at P9.35 naman sa pampublikong gusali. Nakita ang mga pinsala sa kalsada sa […]
-
MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019
MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.” Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 […]
-
PBBM at Blinken, nagkita, nagpulong sa Malakanyang
SA KABILA nang makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ambon ay natuloy din ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, noong Sabado, Agosto 6, 2022. Naka-iskedyul kasi ang courtesy call si Blinken kay Pangulong Marcos. Makikita sa larawan ang paglagda ni Blinken sa […]