• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 NA INDIBIDWAL, INARESTO SA ANTI-KFR AT GUNRUNNING OPERATION

NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal na bahagi ng sindikato na responsible sa kidnap for ransom at pagpatay sa mga Chinese national.

 

 

Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor  ang naaresto na Chinese national na sina Li Tao Tao at Huang Bao Jian na naaresto sa isang Chinese restaurant sa Pasay City dahil sa pagbebenta ng 3 di lisensyadong  baril na Glock 22 cal. 40, Glock 30 cal. 45 at Springfield XD-9 Subcompact 9mm; Marck Rovel De Ocampo alias Erick Isaytono de Ocampo na itinurong gun supplier.

 

 

Bunsod nito, isang follow up operation ang ginawa sa Aseana City sa Parañaque laban sa financier at leader ng crime group na parehong dayuhan.

 

 

Nabatid na nang ipag-utos ng operatibang NBI-IOD ang mga suspek na lumabas mula sa kanilang tinted na sasakyan, tumanggi ang mga ito at pinaharurot ang kanilang sasakyan.

 

 

Dahil dito, nagkaroon ng putukan kung saan nakatakas ang mga suspek. Nag-alarma naman ang mga operatiba sa PNP na arestuhin ang mga suspek kung makita ang kanilang sasakyan sa kanilang area of responsibility.

 

 

Hanggang sa nalaman ng NBI-IOD na ang nasabing sasakyan ay natagpuan sa isang parking area kung saan si Yu Jingdong, isang Chinese national ay isinugod sa ospital matapos na tamaan ng bala sa palitan ng putukan habang ang isang Sy Tuan Dat, isang Vietnamese ay natagpuang patay sa sasakyan.

 

 

Matatandaan  din na noong February 15, 2022, si Yu JingDong ay inaresto sa Okada Hotel dahil sa illegal possession of firearms at ammunition at kinasuhan sa Parañaque Prosecutors Office.

 

 

Sa nasabi ring buwan, Mark Rovel de Ocampo  alias Erick Isaytono De Ocampo ay kinasuhan ng Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention sa ilalim ng  Article 267 of the Revised Penal Code, R.A.8353 (Rape) at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2012 at  Sec 261 ng  BP 881 (Omnibus Election Code in relation to Comelec Resolution No.120728). (GENE ADSUARA )

Other News
  • Sunog, sumiklab sa main office ng Comelec sa Palacio del Gobernador

    KONTROLADO na raw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa Commission on Elections (Comelec) office sa Palacio del Gobernador, Intramuros Manila.     Base sa report ng BFP-National Capital Region (NCR) Public Information Office, nagsimula ang sunog sa ika-pitong palapag ng naturang gusali.     Itinaas sa unang alarma ang sunog […]

  • Federer tatapusin muna ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak sa Olympics

    Tatapusin muna ni Swiss tennis star Roger Federer ang Wimbledon bago magdesisyon kung sasabak ito sa Tokyo Olympics.     Sinabi nito na titignan niya muna ang kaniyang laro sa Wimbledon dahil kung hindi naging maganda ang kaniyang performance ay hindi na siya sasabak sa Olympics.   Mag-uusap muna sila ng kaniyang koponan para sa […]

  • Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan

    ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, […]