Buhay pa rin ang alaala after twenty years: CLAUDINE, naging emosyonal sa mensahe ng ina ng yumaong aktor na si RICO
- Published on March 31, 2022
- by @peoplesbalita
MULING nakasama ni Claudine Barretto si Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng yumaong aktor at former boyfriend ng aktres na si Rico Yan.
Naganap ito noong March 28, 2022 sa Manila Memorial Park, Parañaque City upang gunitain ang ika-dalawampung anibersaryo ng kamatayan ni Rico, na sumakabilang-buhay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan.
Nakasama nina Mrs. Yan at Claudine ang mga tagahanga ni Rico na hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nila sa aktor.
Sa IG post ni @rycbstan, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Mrs. Yan sa mga dumating at hindi talaga nakalilimot sa kanyang yumaong anak.
Panimula niya, “Tinatanong ni Bobby [Yan, nakatatandang kapatid ni Rico] sa akin, sabi niya, ‘How do you process the fact that Rico has been gone for twenty years?’
“Sabi ko, ‘You know, I think I’m in a very unusual place, a very privileged place, because Rico is gone but people still love him.’
“I guess, you cannot find anybody who’s in that place because I have friends who have lost their children. But that’s it, they lost their children.”
Sabi pa niya, “Pero si Rico, buhay, buhay, buhay wherever I go, whether it’s here, whether it’s in the States… wherever I go.”
“I know people who still love Rico and I am very, very grateful for that.
“Kaya even if he’s gone, of course we miss him, that’s natural, but I think he lives in your hearts, he lives in our hearts and, of course, in Claudine’s heart.”
Dito na nagsimulang mapaiyak si Claudine, pati ang mga fans nila na nakikinig ng mensahe.
Ininvite daw ni Mrs. Yan si Claudine sa 20th death anniversary dahil, “She’s been part of Rico. Rico loved her. She loves Rico. That won’t change.
“So, after twenty years… that’s it, so now let’s celebrate that, not only the 20th death anniversary of Rico but with Claudine by my side.”
Kinunan din ng maikling mensahe si Claudine at nagpasalamat din sa lahat ng pumunta at naki-celebrate kasama ang ina ni Rico.
Pahayag ng aktres, “Salamat sa pagpunta ninyong lahat. Thank you Tita for inviting me.
“Rico is so happy right now, sobrang saya niya.
“Isa lang talaga yung hinihingi ko, twenty years ago, na huwag natin siyang kalimutan. Pero ginawa niyo talaga so thank you so much.”
Say naman ng netizens tungkol dito:
“May pinagsamahan naman sila kahit paano.”
“Kasi kahit paano ay may regrets pa rin siya, especially na namatay na si Rico.”
“Sayang talaga si Rico, He could have been one of the most successful and respectable actors had he lived longer but then again, hanggang dun nalang talaga sya and I guess he is indeed in a much safer and more peaceful place with God in heaven.”
“He’s already a successful and respected actor bago pa sya namatay. Versatile din he can host, nag ko comedy, drama, romance.”
“This is nice. May closure na kahit papano and sabay silang nagheheal from the pain.”
“Grabe 20 years na. Super fan nila ako non. Especially Claudine. I remember when it happened, grade school yata ako. Sa mga news coverage nung wake, hindi sya talaga pinapalapit ng family. Laging ang layo ng pwesto nya. May galit talaga sila non. It’s nice to see this.”
“She really needs to stop using his name to get attention. It’s too yucky tacky and cringeworthy. Let him Rest In Peace.”
“Still not over your loss Rico. The day he died nasa Subic si tita Clau kasama si Raymart. Look at her now.”
“Be happy na lang sa kanila dahil nagkasundo na sila.”
“Wala talagang papantay sa karisma ni rico yan.”
(ROHN ROMULO)
-
P14.3-B na benepisyo ng mga health workers naibigay na ng DOH
Naipamahagi na ng Department of Health ang P14.3 bilyon na halaga ng benepisyo ng mga public at private health workers. Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, na minarapat na ibigay ang nasabing mga benepisyo ng mga medical frontliners. Hanggang aniya sa susunod na taon ay magkakaroon aniya ng benepisyo ang […]
-
Contingency funds makakatulong sa mga OFW sa Israel
MAAARING gamitin ng gobyerno ang contingency funds para tulungan ang mga apektadong Pilipino sa Israel matapos pag-atake ang Palestinian Islamist group na Hamas noong Sabado. “Contingent fund may be used for their repatriation and generate jobs for affected Filipinos. The government must come up with economic plans to cushion their abrupt termination of […]
-
ANGELICA, inamin na hindi kumportable sa malulusog na boobs
HINDI raw kumportable si Angelica Panganiban sa kanyang boobs at inamin nga niya ito. Wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ito. Isa si Angelica sa ating mga well-endowed actresses at as- set niya nga ito, actually. Little did we know na hindi pala siya proud dito. “Eversince bata ako, […]