ANGELICA, inamin na hindi kumportable sa malulusog na boobs
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI raw kumportable si Angelica Panganiban sa kanyang boobs at inamin nga niya ito.
Wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ito.
Isa si Angelica sa ating mga well-endowed actresses at as- set niya nga ito, actually. Little did we know na hindi pala siya proud dito.
“Eversince bata ako, insecurity ko siya,, eh,” pag-amin ni Angelica sa episode 2 ng kanyan digital show na ‘Ask Angelica.’
“Parang mas una kasi akong nag-mature sa. . . physically. Mas unang lumaki ‘yung boobs ko kaysa iba kong kasabayan,” sabi niya.
Kaya ang feeling daw niya noon ay parang out of place siya at gusto nga niyang itago ang kanyang boobs.
“Parang na-out of place ako, parang ‘bakit ganito? Bakit hindi naman ganu’n katulad ng sa iba kong mga kaibigan?’ Kaya lagi akong naka-slouch kasi gusto ko siyang parang itago. Gusto ko nu’n, mahaba ‘yung hair ko para natatakpan siya. So, hindi talaga ako kumportable sa kanya eversince,” sey pa ni Angge.
Napunta ang usapan sa boobs dahil sa isang netizen na humihingi ng advice dahil flat-chested siya.
Tinanong naman ni Angelica ang guest niyang si Ivana Alawi kung mas gusto rin ba nito ang maliit na boobs.
“Actually, hindi ko maintindihan kung malaki ba siya or maliit,” natatawang sabi ni Ivana.
“Kasi, parang cup B lang talaga siya. It’s not naman double D or. . .cup B lang ako. Kaya actually, ayokong nagba-bra kasi lalo siyang lumalaki,” sabi ni Ivana.
Natanong nga rin ang sexy star kung ilan ang bra niya at sey niya, “dalawa, pramis, 8 years na ‘yung bra ko.”
Kaloka! (Rose Garcia)
-
Falcon posible pa maging super typhon habang papalabas ng PAR-PAGASA
NAPANATILI ng Typhoon Falcon ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran patungo sa dagat timog silangan ng Okinawa Islands, sabi ng state weather bureau. Naobserbahan ang mata ng Typhoon Falcon 875 kilometro silangan hilagangsiilangan ng extreme northern Luzon 10 a.m. ng Martes, ayon sa PAGASA. Lakas ng hangin: 175 kilometro kada […]
-
Pilot implementation sa fare collection system, tatagal ng 9 hanggang 12 buwan – DOTR
INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system. Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines […]
-
Mga atleta ng National Team, hindi nakatatanggap ng sapat na financial support
INAMIN ng Malakanyang na hindi nakatatanggap ng sapat na financial support ang mga atleta ng national team. Inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bagay na ito matapos na manalo si Hidilyn Diaz nang kauna-unahang Olympic gold medal sa weightlifting 55 kilogram division sa Tokyo, Japan. “Kulang po talaga, parang minimum wage nga […]