• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE, mag-aalok ng 10-day cash-for work para sa mga indibidwal apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

MAG-AALOK ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng sampung araw na trabaho bilang tulong para sa libu-lubng indibidwal na apektado matapos ang pag-alburuto ng bulkan.

 

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kikita ng P4,000 ang kada manggagawa para sa 10 araw na trabaho dahil ang minimum na sahod sa region 4 o Calabarzon ay P400.

 

 

Base sa ulat mula kay DILG Secretary Eduardo Ano nasa 1,006 pamilya o 3,649 indibidwal ang mga apektado sa pag-aalburuto ng Taal Volcano kayat ang agarang tugon dito ng kagawaran ay ang pagbibigay ng trabaho sa mga apektadong residente sa loob ng sampung araw.

 

 

Mayroon din aniyang inihandang P50 hanggang P100 million pondo ang ahensiya para sa mga Taal victims partikular na sa munisipalidad ng Agoncillo, laurel, San luis, Taal, calaca, Calatagan at sa lemery, Batangas.

 

 

Maliban pa sa temporary 10 day work, ayon kay Bello nakahanda ang DOLE na mabigyan ng pangmatagalang livelihood assistance ang lahat ng apektadong indibidwal.

Other News
  • Naging maayos ang lahat nang makilala si Mikee: PAUL, inaming na-trauma na makipagrelasyon dahil sa ex-gf na si BARBIE

    WALA na raw sama ng loob si Paul Salas sa ex-girlfriend na si Barbie Imperial.       Kahit na maraming sinabing hindi maganda si Barbie na puwedeng ikasira ng pagkatao ng Kapuso hunk, itinanggi niya ang mga paratang nito sa kanya at pinatawad niya ito.       “Aminin ko po, ngayon lang po […]

  • ‘Di malilimutan ang eksenang kinunan na nag-trending: BARBIE, takot na takot nang umakyat sa tuktok ng church bell tower

    MARAMING ‘first’ na nai-experience si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagsu-shoot niya ng historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.”      Ito ang top-rating primetime series ng GMA Network na nagtatampok kina Barbie, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Drama Actor Dennis Trillo.     Isa sa hindi malilimutang […]

  • Mega vaccination site sa Nayong Pilipino gagawing 24/7

    Maaaring magkaroon ng 24/7 na operasyon ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa planong mega vaccination site sa Nayong Pilipino.     Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 spokesman Restituto Padilla, na angkop ang planong mega vaccination site sa Nayong Pilipino dahil mayroon umanong sariling storage facility doon kaya maaaring gawin ito dahil mayroong makukuhang bakuna […]