• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa korapsyon, 5 hanggang 6 na Cabinet members, sinibak sa puwesto

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon.

 

 

“When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for them for this to have happened. But you know, whether you helped me during the elections or contributed something good, I am very thankful,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

“Pero alam mo maski kaibigan tayo, I have fired—hindi lang ninyo alam, hindi kasi ako mahilig ng … I’m not fond of announcing to the media pero about—in the process, I’ve fired five or six Cabinet members because of corruption,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Aniya, matagal na niyang sinibak sa puwesto ang mga nasabing cabinet officials na hindi naman nito pinangalanan.

 

 

“I’m not campaigning, I’m just talking about what ails the system. I’m not even naming names, but to those who are listening now, did you know about this? But if you ask me, I’ll say who are the Cabinet members that I fired. I fired them a long time ago. I’ve probably fired around six of them—an unholy hour, I really—nagbuhos din ako ng sama ng loob,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“You know, kaibigan tayo, I invited you in hoping that you could help me. O if you helped me, then it’s coupled with corruption, talagang sabi ko you know you have to go. It pains me deeply too but I never realized that you are capable of doing it because I thought all the while na pag-usapan natin dito, ‘yung tama lang,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Dapat talagang ipagmalaki ayon kay Sen. Revilla: Pinoy Pride na si SOFIA FRANK, nakasungkit ng ginto sa 2022 Asian Open Figure Skating

    NAGBIGAY ng karangalan sa bansa ang Pinay figure skater na si Sofia Lexi Jacqueline Frank na kung saan nasungkit ang inaasam-asam na gintong medalya sa katatapos na 2022 Asian Open Figure Skating competition na ginanap sa Jakarta, Indonesia. Ito ang pinakabagong tagumpay ng magandang atletang Pilipina.  Si Frank ay kasalukuyang may pinakamataas na markang ISU […]

  • Kaabang-abang ang una nilang pagtatagpo: ANDREA, natuloy na rin sa paglabas sa top-rating sitcom ni JOHN LLOYD

    TULOY na ang paglabas ni Andrea Torres sa top-rating sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA na Happy ToGetHer.     Sa bandang ending ng episode ng naturang sitcom noong nakaraang April 10, ni-reveal na magiging next celebrity guest ay walang iba kundi si Andrea.     Simula noong mapag-usapan ang gagawin na sitcom na […]

  • PBBM, hiningi ang kooperasyon ng South Korea sa renewable energy

    HININGI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang kooperasyon ng Republic of Korea (ROK) sa renewable energy sources.     Sa kanyang naging interbensyon sa   23rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Summit, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang kapwa lider na bahagi ng  paglunas sa kapaligiran  “is lessening the dependence on fossil […]