• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8

NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon.

 

 

Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na nakatakda siyang makipag-usap kay Xi sa nasabing petsa subalit hindi na ito nagbigay pa ng kahit na anumang detalye sa kanilang magiging pag-uusap. Hindi rin ito nagbigay ng ideya kung ito’y phone conversation o face-to-face meeting.

 

 

“I’m scheduled to… April 8. Gusto ako kausapin ni Xi Jinping. Magkaibigan man rin kami,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ako, hindi ako kakampi kampi ako. I just don’t want [a] war to enter my country,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inamin ng Chief Executive na nananatili siyang nag-aalala ukol sa posibleng ‘spillover’ sa Pilipinas ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

“Mag-usap kami ni Xi Jinping kasi, siguro, yung sabi ko na… Para masabi ko lang na the Philippines might really be included in the vortex of giyera dito,” ani Pangulong Duterte.

 

 

“‘Pag tinamaan ang Russia ng nuclear o ang Russia ang unang magtira , then there’s going to be serious trouble, and China will not just sit idly there,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Babanat din siya (China), kukunin niya ang Taiwan ,” pagpapatuloy ng Pangulo.

 

 

Aniya, walang kaduda-duda o sigurado aniyang apektado ang Pilipinas ng “full-scale war” dahil ang presensiya ng American forces sa bansa.

 

 

Nagdesisyon aniya siyang payagan ang Estados Unidos na gamitin ang base ng Pilipinas sa pangambang mag-spillover nga ang giyera ng sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

“I have given the Americans the unrestricted use of… because it will be a stupid thing [to send them away]. It will just also– nandiyan na kasi,” anito.

 

 

“Hindi man natin mapaalis , and it’s not good at this time na paalisin ang Amerikano . So I allowed them the unrestricted use mga airport, mga base militar. Kasi nandito na sila, eh,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Sa kabila nito, muli namang inulit ng Pangulo na hindi niya papayagan ang mga sundalo ng Pilipinas na magpartisipa sa nangyayaring labanan sa Europa.

 

 

“I will never commit my soldiers or the police to go and participate,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Hindi natin ano ‘yan. We are not even connected, however big or small,” aniya pa rin.

 

 

Simula Marso, nananatiling ‘neutral’ ang posisyon ni Pangulong Duterte sa nagpapatuloy na giyera sa Europa.

 

 

“We better maintain our neutrality. Let us avoid meddling in it so that we won’t get involved,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • SU-PAW-STAR CAMEO POSTERS FOR “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” RELEASED. PLUS, WATCH THE LYRIC VIDEO OF “DOWN LIKE THAT”

    WHOSE cameo are you most excited to see in PAW Patrol: The Mighty Movie? Check out these su-PAW-star posters!      Speaking of su-PAW-stars, this new Bryson Tiller song has our tails wagging! Watch the new “Down Like That” lyric video from PAW Patrol: The Mighty Movie!     https://youtu.be/U2mh_LwVf24 About PAW Patrol: The Mighty Movie Paramount Pictures […]

  • No such thing as COVID-19 vaccination exemption cards- Nograles

    HINDI magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibiuwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso.     Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, […]

  • 4 tulak, nalambat sa Navotas drug bust, higit P.1M droga nasabat

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos mabingwit ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.       Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief […]