PDU30, hiniling sa MMDA na bilisan ang pag- aaral ukol sa inilatag na panukala ng ahensiya
- Published on April 5, 2022
- by @peoplesbalita
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kung maaari ay paspasan nito ang ginagawang pag- aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag- aaral at mula doon ay marepaso na ng mga eksperto ang mga pinaplanong hakbang.
Ayon sa Chief Executive, tinutumbok aniya niya rito ang mga competent authorities na konektado at may sapat na kaalaman para makamit ang target na mahanapan na ng solusyon ang trapik sa NCR at Greater Manila Area.
Batay sa inilatag na proposal ng MMDA kay Pangulong Duterte, nais nilang magkaruon ng Elevated Walkway para sa mga tao at Bicycle Lane upang mahikayat ang mga ito na maglakad o magbisikleta na lamang papunta sa trabaho at makabawas sa magdadala ng sasakyan.
“At panghuli po, ito po ‘yung aming proposal, medyo ambitious, pero dahil it will entail large expenditure on the part of government, ito po ‘yung Elevated Walkway and Bicycle Lane Project kung saan maglalagay po tayo — nagpo-propose po kami na maglagay tayo ng walkway para po sa mga tao at bicycle lane. Ito po ay para ma-encourage ang mga tao na maglakad or magbisikleta na lamang papunta sa trabaho dahil kung safe po at convenient ito pong ating walkway and bicycle lane, sa amin pong palagay makakabawas po ito sa magdadala ng sasakyan, at instead, maglalakad na lamang po at — or gagamit ng bisikleta,” paliwanag ni Artes.
Maliban pa aniya rito ang panukala na odd- even scheme. (Daris Jose)
-
Pamamahagi ng ayuda mula sa pamahalaan, extended ng hanggang May 15-Sec. Roque
BINIGYAN ng pamahalaan ang local authorities ng mas maraming oras para maipamahagi ang ayuda na nakalaan sa 22.9 million low income para makaagapay sa pinahigpit na COVID-19 restrictions. “In-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-15 ng Mayo 2021,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “Some local governments appealed […]
-
PSG, pinaghahandaan na ang unang SONA ni PBBM
PATULOY ang ginagawang paghahanda ng Presidential Security Group para siguraduhin ang seguridad na ipatutupad nito para sa gagawing pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa estado ng bansa sa darating na Hulyo 25, 2022. Sa katunayan, pinangunahan ng PSG ang isang inter-agency meeting sa atas na rin ng bagong talagang PSG Commander […]
-
Matapos makisawsaw sa isyu ng ‘no label’ nina Ruru at Bianca: RR, ‘di pinalampas ang naging komento ng ama ng aktor kaya niresbakan
NANG makita ni RR Enriquez ang isang artcard tungkol sa dating relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, pero walang label, nag-comment ito sa kanyang IG account ng, “Gusto ko ito sawsawan at gigil ako
“Four years and yet “No Label?? “Gurl if totoo man yan you should know your worth… “Kaya […]