Katuwang si MARJORIE at iba pang naniniwala sa plataporma: ANGEL, nagbahay-bahay para personal na ikampanya si VP LENI
- Published on April 5, 2022
- by @peoplesbalita
MAGKATUWANG sina Angel Locsin at Marjorie Barretto na nagbahay-bahay para personal na ikampanya si Vice President Leni Robredo bilang Pangulo ng Pilipinas.
Nagbahay-bahay ang mga artistang sumusuporta sa kanyang kandidatura, sa pangunguna ng mga aktres noong Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Mula sa pagbisita sa Marawi City ay pinangunahan ni Angel ang pagbabahay-bahay sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental kung saan hinikayat niya ang mga kapwa tagasuporta na kumausap ng 10 tao bawat araw at kumbinsihin silang iboto si Leni sa halalan sa Mayo.
Sinamahan naman ni Marjorie si Aika Robredo, anak ng Bise Presidente, sa kanilang pagbisita sa ilang barangays sa Quezon City. Maagang sinimulan ng aktres ang pagbabahay-bahay nang bisitahin niya ang ilang lugar sa Pasig kung saan kinumbinsi niya ang mga botante na si VP Leni ang pinakuwalipikadong pamunuan ang bansa.
“This was the reason why I decided to do house-to-house yesterday with other volunteers because we want to convince more of our fellow Filipinos that VP Leni is the most qualified to lead our country,” wika ni Marjorie sa Instagram.
Nag-ikot naman ang “PieDu” loveteam naman ng aktor na sina Edu Manzano at aktres na si Cherry Pie Picache sa isang palengke sa Quezon City at ipinabatid ang mga plano ni Robredo para sa bansa.
Nagpamigay rin sila ng pamphlets at ibang babasahin na naglalaman ng track record at mga nagawa ni VP Leni.
Sumama naman ang aktres at singer na si Agot Isidro sa pagbabahay-bahay sa Tagbilaran, Bohol at bumisita sa isang palengke kasama ang campaign manager ni VP Leni na si dating Senador Bam Aquino.
Tinalakay naman ng aktres na si Pinky Amador at hipag ni VP Leni na si Dr. Josephine Robredo-Bundoc ang plataporma ni Robredo na “Oplan Angat Agad” na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon, sa mga residente nang mag-ikot sila sa Dumaguete City.
Nais matiyak ni VP Leni na hindi bababa sa isang miyembro ng pamilya ang tumatanggap ng buwanang suweldo habang ang mga nawalan ng trabaho ay bibigyan ng tatlong buwang pinansiyal na ayuda habang naghahanap ng hanapbuhay.
Pagdating sa kalusugan, magbibigay din si VP Leni ng access sa libreng doktor sa bawat pamilya at gagawing abot-kaya ang pagpapagamot para sa lahat ng Pilipino. Nais din niya na bigyan ng kalidad na edukasyon ang mga estudyante upang maabot nila ang pangarap na trabaho sa hinaharap.
***
TEARY-EYED si Maris Racal nang purihin siya nang husto ng co-actor niya sa YouTube series na How to Move On in 30 Days na si John ‘Sweet’ Lapus dahil siya na ang next rom-com queen.
In fairness naman ay nakakakilig talaga si Maris sa mga nagawa niyang rom-com movies at series.
Nabanggit ni Sweet na si Maris ang susunod na sa yapak nina Regine Velasquez, Toni Gonzaga at Angelica Panganiban.
Say ng TV host/director/actor/vlogger, “Mahusay si Maris Racal dito. She really is the romcom princess now. And now that Angelica Panganiban is a mother and Toni Gonzaga is technically retired, I’m pretty sure that Maris Racal will be the next romcom queen.
“Siya talaga ‘yung romcom (actress). Siya ‘yung Regine Velasquez noong araw, na naging Toni Gonzaga, na naging Angelica Panganiban. It’s Maris Racal’s time to shine.”
Kaya panay ang pasalamat ni Maris kay John at sa ABS-CBN at YouTube Philippines dahil isinama siya sa first collaboration na How to Move On in 30 Days.
At pinost ni Maris ang video clip kung paano ito sinabi ni John, “Grabe yung puso ko kanina. Salamat po.”
Ang romantic-comedy series na ito ay tungkol kay Jen (Maris), isang vlogger na iniwan at niloko ng boyfriend niya ng pitong taon na si Jake (Albie Casino) kasama si Anastacia (Sachzna Laparan), isang sikat na model at social media influencer. Makikilala si Jen bilang “The Winarak Girl” matapos mag-viral sa social media ang kanyang pagwawala dahil sa pagiging sawi.
Para tulungan si Jen na malagpasan ang pagiging broken-hearted, kukumbinsihin siya ng kanyang mga kaibigan na sina Anton (Kyo Quijano) at Sara (Jai Agpangan) na i-download ang “the break app.”
Sagot ng app na ito ang lahat ng solusyon at payo para tulungan si Jen na maka-move on mula kay Jake sa loob lamang ng 30 araw.
Ngunit hindi ito magiging madali para kay Jen dahil makakasama niya sa trabaho si Jake at ang bagong kasintahan nito. Dahil desperado na si Jen na maka-move on, mapipilitan siyang lapitan si Franco (Carlo Aquino), isang gwapong surfer at “professional boyfriend-for-hire.”
Magkukunwari sina Jen at Franco bilang magkasintahan at unti-unti rin silang magiging malapit sa isa’t isa dahil dito. Makaka-move on nga ba si Jen sa tulong ni Franco at ng “break app”? Mauuwi kaya sa tunay na pagmamahalan ang pekeng relasyon nina Jen at Franco?
Napapanood na sa ABS-CBN YouTube channel ang How to Move On in 30 Days, mula ito sa direksyon nina Benedict Mique at Roderick Lindayag at kasama rin dito sina John Arcilla, Sherry Lara, Phoemela Baranda, Poppert Bernadas, Hanie Jarrar, Elyson De Dios, Rans Rifol, at James Bello.
(REGGEE BONOAN)
-
Dagdag sa mga achievements ng 2015 Miss Universe: PIA, proud at puwedeng ipagsigawan na NYC marathon finisher
NADAGDAGAN na naman ang achievements ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil certified NYC Marathon finisher na siya. Kaya naman happy and proud siya na pinakita ang kanyang medalya. “I did it! We did it! 🥹,” panimula ni Queen P sa kanyang IG post. “The NYC Marathon wasn’t a race, it was […]
-
Sekyu kulong sa pagbabanta at panunutok ng baril sa kinakasama
KALABOSO ang 39-anyos na sekyu matapos tutukan ng baril at hablutin ang buhok ng kanyang kinakasama nang maibigay ang ginang ng perang pambili nila ng pagkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. ang naarestong suspek na si alyas “Aguilar” ng Brgy. Pasolo na nahaharap […]
-
Madaling mag-fall dahil sa pag-i-internalize sa role: KELVIN, inamin na nagkaroon ng feelings para kina MIKEE at BEAUTY
INAMIN ni Kelvin Miranda na mabilis siyang mag-fall sa mga leading lady na nakaka-trabaho niya. Ayon kay Kelvin nang makausap namin sa Coffee Project Wil Tower branch, “Nagkaroon din ako ng problema sa ‘Lost Recipe’, dahil nagkaroon din ako ng feeling with Mikee (Quintos), hindi ko alam kung totoo o hindi.” Ganito rin ang naramdaman […]