• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aminadong naging greedy at ‘di pa nakuntento: DIEGO, na-scam nang big time matapos i-invest ang napanalunan

WALANG binanggit na actual amount ng pera, pero isiniwalat ni Diego Loyzaga sa naging online mediacon ng Vivamax’s Greed na na-scam siya.

 

 

Hindi rin actually malinaw kung tumama ba sa lotto si Diego katulad sa kuwento ng Greed na mai-stream na sa Vivamax simula sa April 8 kunsaan, nanalo ang mga characters nila ni Nadine Lustre sa lotto at do’n na nagsimula ang “greediness” o pagiging ganid sa kuwento.

 

 

Sa personal na karanasan ni Diego, ang ikinuwento niya lang, nanalo raw siya ng malaking amount.  Pero para sa kanya, pagiging greed yun instead na makuntento siya, in-invest pa raw niya at nag-hope na mas lalaki pa ang malaking pera naman na napanalunan niya.

 

 

Ang siste, may dapat daw sana siyang pagbigyan ng pera, pero dahil nga in-invest niya, hindi niya ito naibigay at ang masaklap, naloko pa siya o na-scam nga.

 

 

Lahad ni Diego, “Honestly, to be honest, of course, I wanted to keep some amount for me. But the most of it talaga, I was supposed to give it to somebody else.

 

 

“What happened was, I invested the money thinking that it would be smarter, after a long period of time, lalaki siya. More for me and more also for that person I want to be given. Eh, ang nangyari, na-scam ako. I guess, do’n siguro talaga umiral si greed and in that scenario, I lost. I lost bigtime.” 

 

 

Kung matatandaan, nanalo rin kasi sina Diego at Cristine Reyes habang ginagawa nila ang seryeng Encounter sa TV5’s The Wall Philippines noong isang taon ng kulang 3 million din.

 

 

Kaya palaisipan kung ‘yung panalo ba niya rito ang na-scam sa kanya o kung tumama nga ba siya sa lotto.

 

 

Sey rin kasi ni Diego, if ever man daw tumama siyang muli, sisiguraduhin daw niyang magtitira na ng certain amount for himself at sa totong bibigyan niya.

 

 

Sayang at hindi rin pala nalinaw kay Diego kung sino ang taong tinutukoy na pagbibigyan niya sana.

 

 

***

 

 

MARAMI ang nag-send ng messages kay Kylie Padilla na “stay strong,” “marami ang nagmamahal sa ‘yo,” “stay strong for your two kids.”

 

 

Nag-post kasi si Kylie na kasalukuyang nasa lock in taping ng bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Bolera na siya ay nagkakaroon ng anxiety attack.

 

 

Hindi sinabi ni Kylie kung ano ang dahilan o nagti-trigger sa anxiety niya, pero nagpapasalamat daw ito sa mga kasama niya sa taping sa pag-aalaga sa kanya.

 

 

       “I had another anxiety attack on set the other day, so grateful that everyone on set takes good care of me.  Thank you guys. You know who you are. 

 

 

        Pero mas na-highlight sa post ni Kylie ang aso na parang alam daw ang napi-feel niya at siyang nag-cuddle at tinabihan na rin niya. In short, di rin humugot ng lakas si Kylie.

 

 

        “Little Nami came up to me and gave me a cuddle, I think naramdaman nya di ako ok. We cuddled for a bit. Humiga na ako sa tabi niya. I needed this moment, In love na talaga sa aso na to. Canine therapy is real.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Undas magiging COVID-19 super spreader – DOH

    MULING  nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging ­COVID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo sa ­darating na Undas ngayong ­Nobyembre.     Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi ­kinakategorya ang Undas na “low risk setting” dahil taun-taong ­dinadagsa ng napakaraming tao ang bawat […]

  • VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE

    KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan […]

  • Labis-labis ang pasasalamat sa GMA-7: WILLIE, nilinaw ang balitang kumukuha na ng mga stars para sa bagong TV network

    BAGO tuluyang nagpaalam si Willie Revillame last Friday sa Wowowin: Tutok To Win, ipinahayag muna niya ang labis-labis at taos-pusong pasasalamat kay Atty. Felipe L. Gozon at sa management ng GMA Network na naging tahanan niya for almost eight years.      Nilinaw ni Willie na hindi totoo ang mga balitang kumukuha na siya ng […]