VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan si Salvador Dacer, Jr. ng Blk 04, Lot 10, Phase 1C, Brgy. NBBS Kaunlaran na paglabag sa umiiral na ordinansa subalit, nagalit ito at nilait pa ang mga barangay opisyal.
Ang hindi alam ni Dacer, may kasamang mga pulis mula sa Navotas Police Sub-Station 4 ang mga nagrorondang barangay official na nakakita sa kanyang pagwawala sa kanto ng Buwan-Buwan at Espada Sts. kaya’t kaagad siyang inaresto.
Ani Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, araw at gabing nagsasagawa ng pagroronda ang kanyang mga tauhan, katuwang ang mga opisyal ng barangay upang sitahin ang mga pasaway na patuloy na gumagala sa lansangan ng wala namang mahalagang pakay na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng hawahan ng mapanganib na sakit na COVID-19.
Iprinisinta na ng mga pulis sa piskalya si Dacer para sa inquest proceedings kaugnay sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents. (Richard Mesa)
-
1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU
UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan. Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng […]
-
EL SHADDAI LEADER CALLS FOR UNITY BEHIND NATION’S LEADERS
EL Shaddai leader Bro. Mike Velarde has called on Filipinos to unite behind the country’s next set of leaders to be elected in May. He told his followers that the message of hope and unity the UniTeam tandem of former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Davao City Mayor Sara Duterte has been […]
-
29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19
TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1. Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.” Nakapagpadala na ang […]