• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Krimen tumaas sa Alert Level 1 – DILG

MULING tumaas ang ilang index crimes simula nang isailalim ng pamahalaan ang ilang lugar sa bansa sa Alert Level 1.

 

 

Partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga insidente ng nakawan na nagsimula aniyang du­maming muli nang tumaas ang mobility ng mga tao, ngayong naisailalim ang National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa sa pinakamababang antas sa COVID-19 alert system.

 

 

“Nitong pagpasok ng Alert Level 1, medyo tumaas ‘yung ibang index crimes, particularly ‘yung theft. Siguro syempre dahil naglabasan na ‘yung mga tao. Dito sa mga malalapit sa mga mall, sa mga palengke, medyo dumami na naman ‘yung mga mandurukot natin diyan,” ayon kay Año.

 

 

Kaugnay nito, hinika­yat din ni Año ang publiko na maging maingat partikular na kung magtutungo sa mga matataong lugar upang hindi mabiktima ng mga magnanakaw.

 

 

Bukod sa pagnanakaw, walo pang focus crimes ang tumaas din gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping ng mga behikulo at mga motorsiklo.

 

 

Matatandaang dahil sa pagbaba na ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 ay isailalim na rin ang ilang lugar sa Pilipinas sa Alert Level 1 simula Marso 1.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na maaa­ring manatili ang bansa sa naturang alerto hanggang sa Hunyo 30, 2022, o sa pagtatapos ng termino ni Pang. Rodrigo Duterte.

 

 

Tiniyak naman ni Año na inatasan na nila ang mga local government units (LGUs) at mga law enforcers na ipagpatuloy ang istriktong pagpapatupad ng minimum public health standards para maiwasan ang muling hawaan ng virus.

 

 

Nagpalabas na rin sila ng advisory sa mga LGUs na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagsapit ng Mahal na Araw sa kalagitnaan ng Abril dahil sa inaasahang mas marami pang interzonal at intrazonal movements sa bansa.

 

 

Aniya pa, sinimulan na rin ng PNP ang pagpapaigting ng kanilang security operation dahil sa Mahal na Araw, sa pamamagitan ng kanilang “Oplan Ligtas SUMVAC 2022” ngayong summer. (Gene Adsuara)

Other News
  • MMDA kakausapin ang LGUs ukol sa pagbabalik ng provincial buses’ sa EDSA

    MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) hinggil sa pagpapalabas ng ordinansa na magre-regulate sa posibleng pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa kahabaan ng EDSA.   Sinabi ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. na plano niyang makipagkita sa mga Alkalde ng Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City […]

  • Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon

    PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.   Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Hindi […]

  • CHED, nagpahayag ng interes na busisiin ang k-12 program sa bansa

    NAGPAHAYAG ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa.     Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system.     Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago […]