• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IPs, LGUs kasama sa Kaliwa Dam talks sa gitna ng kritisismo

TINUKOY ng Malakanyang na kasama ang mga indigenous people’s groups at local government units (LGUs) sa negosasyon para sa pagsisimula ng Kaliwa Dam project sa Quezon at Rizal province.

 

 

Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na umapela ang grupong Kababaihang Dumagat ng Sierra Madre kay presidential bet Vice President Leni Robredo at running mate Senator Francis “Kiko” Pangilinan na itigil ang proyekto.

 

 

“We assure that the Kaliwa Dam project undergoes due process and that all stakeholders including the indigenous people and the concerned local government units are involved in the negotiations,” ayon kay Andanar.

 

 

Aniya pa, prayoridad ng administrasyong Duterte ang national interest at ang mapakikinabangan ng mga Filipino mula sa Kaliwa Dam project.

 

 

Sa ulat, nagpalabas ng apela ang mga Dumagat leaders habang tinintahan naman ng team ni Robredo ang isang covenant kasama ang IP communities na naglalayong protektahan ang kanilang karapatan kabilang na ang national census at konsultahin ang mga ito ukol sa proyekto ng pamahalaan.

 

 

Bilang tugon, sinabi ni Robredo na mabigyan lamang siya ng pagkakartaon na maging Pangulo ng bansa, titiyakin niya na ang government policies ay magtataas sa kalidad ng buhay ng mga IPs.

 

 

Sa ulat, may P12.2-billion China-funded project ay magsisilbing karagdagang mapagkukuhanan ng tubig para sa mga residente ng Kalakhang Maynila at kalapit-lalawigan sa gitna ng palaging banta ng water shortage lalo na ngayong summer months.

 

 

Nauna rito, nakapagtala naman ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng 400 indibiduwal mula sa 55 barangays na maaapektuhan ng konstruksyon. (Daris Jose)

Other News
  • “Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan” – Fernando

      LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang pamana ng Bulacan ay nagpapaalala na ang isang malakas na bayan ay itinayo sa mga haligi ng kalayaan, katarungan, at soberanya—mga pagpapahalagang dapat nating ipaglaban at ipagpatuloy. Nawa’y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na, habang ipinagpapatuloy natin ang laban para sa ating soberanya at patuloy naitaguyod ang responsableng […]

  • P139K shabu nasabat sa Navotas buy bust, 4 kalaboso

    MAHIGIT P.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement […]

  • SEC, magtatatag ng bagong dibisyon para i-monitor ang mga financing, lending firms

    NAKATAKDANG magtatag ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng bagong dibisyon na tututok sa financing at lending firms bilang bahagi ng pagbuwag laban sa abusadong lenders alinsunod sa Lending Company Regulation Act (LCRA).     Ayon sa Department of Finance (DOF), iniulat ng SEC na nakatuon ang pansin nito sa kampanya ukol sa mga abusadong […]