• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Final testing and sealing ng mga VCM sa Israel, naisagawa

INIULAT ng Philippine Embassy sa Israel na naging matagumpay ang final testing at ang sealing o pagpapatakbo at pagseselyo ng vote counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan.

 

 

Isinagawa ito bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) sa darating na Linggo.

 

 

Naging bukas naman ito sa mga kinatawan ng political parties at iba pang observer.

 

 

Ang testing sa mga balota at ang pagseselyo sa mga makina ay bahagi rin ng mga itinatakdang aktibidad ng poll body, upang matiyak ang kahandaan ng mga mangangasiwa sa halalan, pati na ang mga makinang gagamitin sa eleksyon.

 

 

Kasabay nito, tinuruan na rin ng technical team ang iba pang aalalay sa halalan hinggil sa proseso ng paggamit ng VCMs.

 

 

Tiniyak naman ng embahada na mahigpit namang paiiralin ang physical distancing sa pagdaraos ng OAV, upang maiwasan ang anumang posibilidad ng hawaan ng virus.

Other News
  • Team Asia kampeon sa Reyes Cup

    SA HULING araw ng bakbakan, tinalo ni Aloysius Yapp ng Singapore si Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa pamamagitan ng 5-1 desisyon. “I’m proud of the whol   e team. At the start of the week, I was very nervous and made a lot of mistakes, but my teammates supported me and lifted up my […]

  • Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

    DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.       Ngayong taon, sunud-sunod na […]

  • PBBM, ikakasa ang Digital Media Literacy drive kontra fake news

    MAGPAPATUPAD  ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ng  Digital Media Literacy campaign ngayong taon.  Layon nito na makapagbigay sa “most vulnerable communities” ng kasanayan at kasangkapan habang inuunawa ang katotohanan. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO)  Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ipinalabas na kalatas  habang isinasagawa ang  CyberSafe Against Fake News: […]