• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, pinapayagan na ang paggamit ng antigen test bilang entry requirement sa Pinas

MAAARI nang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na ang ipakikita lamang ay ang antigen test na gawa ng healthcare professionals.

 

 

Ito’y matapos na sang-ayunan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), Miyerkules ng gabi na payagan ang paggamit ng rapid antigen test na gawa ng healthcare professionals bilang entry requirement para sa mga byahero.

 

 

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na ang antigen test ay kailangan na “administered and certified by a healthcare professional in a healthcare facility, laboratory, clinic, pharmacy, or other similar establishments from the country of origin of the traveler.”

 

 

Sa ilalim ng umiiral na IATF-EID Resolution 165, maaaring makapasok ng Pilipinas ang foreign travelers, sa kondisyong kailangan na fully vaccinated ang mga ito laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) at may katanggap-tanggap na proof of vaccination.

 

 

Required din ang mga dayuhan na mag-prisinta ng negatibong reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test na ginawa sa loob ng 48 oras o negative laboratory-based antigen test na ginawa sa loob ng 24 oras bago pa ang kanilang pagdating sa bansa.

 

 

Sa kabilang dako, inaprubahan din ng IATF-EID ang “acceptance and recognition” ng national Covid-19 vaccination certificates ng mga bansang Bangladesh, Mexico, Panama at Slovak Republic, para sa arrival quarantine protocols, at maging para sa interzonal o intrazonal movement.

 

 

“This is in addition to other countries/territories/jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF has already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers,” ayon kay Andanar.

 

 

Sinabi pa ni Andanar na ang Bureau of Quarantine, One-Stop-Shop ng Department of Transportation at Bureau of Immigration ay inatasan na kilalanin lamang ang proofs of vaccination na aprubado ng IATF.

 

 

 

Ayon sa Resolution 165 na ipinalabas ng IATF-EID, ang iba pang katanggap-tanggap na proofs of Covid-19 vaccination ay kinabibilangan ng World Health Organization International Certificate of Vaccination and Prophylaxis, VaxCertPH, national o state digital certificate ng foreign country na tumatanggap ng VaxCertPH, at iba pang proof of vaccination na pinayagan ng IATF-EID.

 

 

Pinayagan na ng pamahalaan ang mga foreign travelers na bisitahin ang bansa kahit pa walang entry exemption document (EED), kailangan lamang na sumunod ang mga ito sa applicable visa requirements at immigration entry at departure formalities.

 

 

Ang Foreign travelers ay kailangan na mayroong pasaporte na balido ng hanggang anim na buwan sa oras ng kanilang pagdating sa bansa at balidong tickets para sa kanilang pagbabalik sa lugar na kanilang pinanggalingan o susunod na destinasyon, na hindi lalagpas sa 30 araw mula sa “date of arrival.”

 

 

“Prior to their arrival in the Philippines, they must obtain travel insurance for the Covid-19 treatment costs from reputable insurance providers, with a minimum coverage of USD35,000 for the duration of their stay in the country,” ayon sa resolusyon.

 

 

Ang mga dayuhan na mabibigong sumunod sa kondisyon at mga kinakailangan na itinakda ng IATF-EID ay tatanggihan na tanggapin sa bansa at malalagay sa angkop na “exclusion proceedings.”  (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 9, 2022

  • Magtipid sa paggamit ng kuryente sa gitna ng Bagyong Aghon

    NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente kasunod ng makabuluhang pagbabago ng available power supply sa Luzon sa gitna ng bagyo.     Sa isang virtual press conference, hinikayat ni DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente para mabawasan ang paghahatid ng […]

  • 40th Anniversary ng ‘Himala’, ipagdiriwang sa Disyembre… Sen. IMEE, NORA at CHARO, reunited at pinarangalan sa ‘FAMAS Awards 2022’

    REUNITED sina Senator Imee Marcos, Superstar Nora Aunor at Ms. Charo Santos-Concio na pawang pinarangalan sa FAMAS Awards 2022.     Naka-trabaho ni Sen. Imee sina Nora at Charo sa ‘Himala’ at ngayong Disyembre, ipagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng naturang pelikula, na prinodyus ng senadora noong 1982 sa pamamagitan ng Experimental Cinema Of The […]