• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Los Angeles Lakers eliminated na sa NBA playoffs matapos pahiyain ng Phoenix Suns

TULUYANG  naitsapuwersa sa play-in tournament ng NBA ang Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Phoenix Suns, 121-110.

 

 

Para naman sa Suns napatibay pa ang hawak nitong record bilang best team sa liga nang maiposte ang ika-63 nilang panalo ngayong season.

 

 

Hindi pa rin kinaya ng Lakers na mapigilan si Devin Booker na nagpakawala ng 32 points, lalo na at hindi nakapaglaro ang kanilang superstar na si LeBron James.

 

 

Lumayo na rin ang agwat ng Suns sa pitong panalo mula sa number two na Memphis Grizzlies, bilang second-most wins sa NBA.

 

 

Noong unang bahagi ng laro ay dikitan pa ang laban pero sa huli ay hindi na napigilan pa ang Suns hanggang sa magbunyi sa malaking milestone sa kanilang prangkisa.

 

 

Para sa Los Angeles (31-48) masaklap ang pagkatalo dahil ito na ang ikapito nilang sunod-sunod na talo.

 

 

Nasayang din ang ginawa ni Russell Westbrook na tumipon ng 28 points, habang si Anthony Davis ay nagdagdag ng 21 points at 13 rebounds.

 

 

Labis namang ikinalungkot ni Lakers coach Frank Vogel ang sinapit ng kanilang koponan.

 

 

“We fell short,” ni Vogel. “We were eliminated tonight.”

 

 

Kung tutuusin ay nasa limang mga future Hall of Famers ang nasa lineup ng Lakers pero bigo ang mga ito na dalhin ang team sa playoffs na kinabibilangan nina James, Davis, Westbrook, Carmelo Anthony at Dwight Howard.

Other News
  • Sylvester Stallone and Jason Statham, Back for ‘Expendables 4’ with Megan Fox and 50 Cent

    JASON Statham and Sylvester Stallone are officially returning for Expendables 4 with several new cast members.     In 2010, Stallone brought together some of the action genre’s biggest stars including Statham, Jet Li, Dolph Lundgren, Mickey Rourke, Terry Crews, Steve Austin, and Randy Couture for a bloody and brutal take on 90s era action flicks.     The film followed the […]

  • AMERIKANO, INARESTO SA MONEY LAUNDERING AT THEFT SA TAGUIG

    NAARESTO ng mga operatiba ng  Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng awtoridad ng US federal dahil sa money laundering at theft.     Kinilala ni  Immigration Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Renato Rivera Cuyco Jr., 48, na inaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit sa isang […]

  • House-to-house wellness check

    Nanawagan ang isang mambabatas sa mga mayor sa buong bansa na atasan ang kani-kanilang barangay na magsagawa ng jouse to house visits lalo na sa mga mahihirap na pamilya. Ayon kay Senior Citizen Party List Rep. Rodolfo Ordanes, para sa kapakanan ng mga buntis, sanggol, bata,  seniors, at PWDs ay nanawagan siya sa mga mayor […]