• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Carry lang na ina nina Miguel, Matt at Raphael: CARLA, feeling blessed and grateful dahil kasama na sa big cast ng ‘Voltes V: Legacy’

NAEXCITE si Kapuso actress Carla Abellana, nang malaman niyang kasama siya sa napakalaking cast ng matagal nang hinihintay  na live-action adaptation series na Voltes V: Legacy.  

 

 

Feeling blessed and grateful siya nang malaman niya ang offer ng GMA Network.

 

 

“Napakalaking blessing po, sobra, at ito ang nagpapasaya sa akin ngayon talaga,” kuwento ni Carla sa 24 Oras.

 

 

Gagamapanan ni Carla ang role ni Mary Ann Armstrong, ang ina ng tatlo sa Voltes V members na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little John (Raphael Landicho).

 

 

Si Mary Ann ay isang scientist, very educated, very skilled. She’s quite stern, medyo strict and serious.

 

 

Nagsimula nang mag-taping si Carla at hindi raw niya napigilang humanga sa laki ng project.  “Ang ganda ng set, ng mga costumes, ang huhusay ng mga batang umarte.”

 

 

Ang Voltes V: Legacy, ay mula sa script ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.  Lahat ng mga materials na gamit sa serye ay approved ng Toei Company, ang Japanese production company na nag-produce ng Voltes V, at Telesuccess Productions, Inc, ang licensing company ng Toei sa Pilipinas.

 

 

***

 

 

APRIL 9 and 10 ang Limitless Part 3: Rise virtual concert ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, at nag-post na ang GMA Network na sold out na ang VIP tickets.

 

 

Pero may last chance pa kayo to get your tickets, mag-log-in lamang sa www.gmanetwork.com/synergy

 

 

Pero tiyak na hihintayin ng mga fans ni Julie Anne ang katuparan ng wish nilang mapanood sa concert iyong napanood nila habang nagpa-practice sina Julie at ang rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz. 

 

 

Nagdiwang na rin ang mga fans nang malamang si Rayver muli ang special guest ni Julie, after na unang nag-guest ang Kapuso actor sa part two ng concert na nai-feaure nila ang mga magagandang lugar sa Visayas.

 

 

Kinilig ang mga fans, even ang mga kapwa artista nila, tulad ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na kinilig sa napanood niya sa video ng rehearsal, ganun din sina Ina Feleo, Lani Misalucha, na matagal nakasama nina Julie at Rayver sa The Clash, si Ana Feleo, Maxine Medina, Gabbi Garcia, Valeen Montenegro, Shaira Diaz, at mga kasama nila sa All-Out Sundays. 

 

 

Bago ang virtual concert, nagpakilig din sa mga nanood nang subukan ni Julie na magkaroon ng live concert sa BGC at naging special guest rin niya si Rayver, na kahit hirap maglakad dahil napilayan sa kanyang work-out, ay dumating pa rin at si Julie ang umakay sa kanya para makarating sa gitna ng stage.

 

 

Sila na ba talaga?  Ang sagot ni Julie Anne: “dapat daw ay si Rayver ang tanungin!”

 

 

***

 

 

MAPAPANOOD muli si Comedy Queen Ai Ai delas Alas, sa bagong GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay simula sa April 25, 3:25pm sa GMA-7.

 

 

Nagpasalamat si Ai Ai sa bagong project na ibinigay sa kanya: “Nais kong magpasalamat sa GMA sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na magbida sa project na ito.  

 

 

Nakakatuwa na sa ika-7th year ko sa network after ako bumalik sa aking tahanan ay binigyan nila muli ako ng isang napakagandang proyekto.

 

 

“Salamat din sa mga artistang kasama ko rito, sina Antonio Aquitania, Valerie Concepcion, Gary Estrada, Ina Feleo, Tart Carlos at siyempre ang anak ko rito si Shayne Sava, na sa kanyang murang edad ay nagpakita na ng gilas at galing sa pag-arte.  

 

 

Ang seryeng ito ay hindi lamang kukurot sa inyong puso, tatawa at iiyak din kayo ng balde-balde, at magbibigay ng aral sa ating lahat na ang pagmamahal ng ina sa anak at ng anak sa ina, ay walang kapantay. Maraming salamat sa mahal na Birheng Maria na gumagabay sa akin sa tuwina at sa mahal na Panginoong Diyos sa blessing na ito.

 

 

“TO GOD BE THE GLORY ALWAYS AND FOREVER. #proudkapuso #afternoonprime #anaknagingnanay.”

(NORA V. CALDERON)          

Other News
  • Higit 34 milyong SIM, rehistrado na

    MAHIGIT sa 34 milyong SIM cards sa buong bansa ang rehistrado na sa kani-kanilang public telecommunications entities (PTEs).     Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Lamentillo, hanggang nitong Pebrero 19, kabuuang 34,483,563 SIMs na ang nairehistro sa ilalim ng SIM Card Registration Act.     Ito aniya ay […]

  • Ads July 19, 2021

  • Nakalimang Best Actor trophies sa loob ng 12 years: ALLEN, nakatakda nang i-elevate sa ‘FAMAS Hall of Fame’

    NAKATAKDANG i-elevate sa FAMAS Hall of Fame sa kategoryang Best Actor ang multi-awarded na si Allen Dizon.     Nakalimang Best Actor trophies na kasi si Allen mula sa oldest award-giving body sa Pilipinas which is celebrating 70 years.     Winner si Allen ng Best Actor awards sa Famas for Paupahan (2009), Dukot (2011), […]