• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

400 accounts sa social media, tinanggal

INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan.

 

 

Nabatid na dumami ang mga online hate speech matapos iba­ling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social media ang kanilang kampanya.

 

 

Ayon sa Meta, na nasa likod ng Facebook, Ins­ta­gram at WhatsApp, naobserbahan nila ang ilang trends na gumagamit ng mga ‘less sophisticated strategies’ o “spam-like” behaviors hinggil sa halalan.

 

 

Mayroon ding ‘context switching’ o ang pagpapalit ng Facebook focus upang maparami ang kanilang audience, mula sa pagiging non-political ay naging political at vice-versa.

 

 

“One Page that mainly shared non-political dance videos renamed itself to become “Bongbong Marcos news,” while another Page that started off as supporting a politician later changed its name to “Your Financial Answer” and began posting loan advice,” pahayag pa ng Meta sa isang blog post.

 

 

Mayroon din anilang mga ‘deceptive efforts’ o yaong grupo na nagpapanggap na miyembro ng mga komunidad sa Pilipinas at tinatangkang pagkakitaan ang halalan sa pamamagitan nang pagbebenta ng mga merchandise o sinusubukang papuntahin ang ibang tao sa ibang websites.

 

 

Sinabi rin ng Meta na sa pagpapaskil ng paid ads, kailangang kumpirmahin muna ng mga advertisers ang kanilang pagkakakilanlan, gayundin ang kanilang lokasyon upang maging transpa­rent ito.

 

 

Paglilinaw naman ng Meta, ang lahat ng kanilang mga polisiya ay nakatuon sa pag-uugali at kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa platform at hindi base sa content o politicial inclinations ng mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 13, 2021

  • Magbabalik-showbiz na ang asawa ni Luis; JESSY, makaka-partner ni GERALD sa upcoming series na ’Nobody’

    DAHIL sa sunod-sunod na pangagamit o mga pekeng audition ay naglabas ng press statement ang Star Magic, ang talent center ng ABS-CBN.       Tuloy-tuloy pa rin kasi ang tinatawag nating scammers sa showbiz.       Kami naman ay naniniwala na matitigil din ang mga ito kagaya ng kontrobersiyal na “pogo” na kung […]

  • Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores

    Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores.   Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding […]