• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ISOLATION POLLING PLACES, PLANONG ILAGAY

NAGPAPLANO  ang Commission on Elections (Comelec) na maglagay ng isolation polling places para sa mga botante na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan, sinabi ni Commissioner Aimee Torrefranca-Neri nitong Huwebes.

 

 

Sinabi ni Neri sa isang pulong balitaan na ito ay kabilang sa mga hakbang na pinag-iisipan ng Comelec para matiyak na magiging ligtas ang pagsasagawa ng halalan para sa mga botante sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

“These are the plans in the pipeline for Comelec in COVID-proofing our 2022 national and local elections. Number 1, Comelec to conduct a public simulation of voting in an isolation polling place (IPP),” ayon kay Neri

 

 

“The IPP is said to be utilized in case a voter should exhibit COVID-19 symptoms or any increase in body temperature so he or she could still vote despite these challenges,” dagdag nito.

 

 

Maliban dito, nakatakda ring lumikha ang Comelec ng medical advisory board para magbigay ng karagdagang suporta sa muling pagbisita sa mga alituntunin na nauugnay sa COVID at bumuo ng napapanahon at mas tumutugon na mga patakaran sa gitna ng halalan.

 

 

Ayon kay Neri , inaasahan ng poll body ang humigit-kumulang 67.5 milyong tao — o 60% ng 112-milyong populasyon ng bansa — na pupunta sa mga polling precinct upang bumoto sa Mayo 9. (GENE ADSUARA)

Other News
  • FIBA saksi sa PBA bubble

    NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.   Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11. […]

  • Mga taong may altapresyon o highblood, pinaalalahanan ni Dr. Bravo

    PINAALALAHANAN ni Philippine Foundation for Vaccination executive director Dr. Lulu Bravo ang mga taong may hypertension bago pa magpaturok ng bakuna laban COVID-19.   Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Bravo na bago pa pumunta sa vaccination centers ang taong may altrapresyon ay kailangang siguraduhin nito na ang kanyang blood pressure ay […]

  • Bagong number coding scheme, maaaring ipatupad matapos ang eleksyon

    SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaaring ipatupad ang bagong number coding schemes matapos ang May 9 elections.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA general manager Frisco San Juan nagpapatuloy na sa ngayon ang konsultasyon sa ibang ahensiya ng pamahalaan ukol sa panukalang number coding schemes.     “Nakikipag-usap […]