FIBA saksi sa PBA bubble
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.
Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11.
Naghahanap ang world’s governing-continental sport body ng lugar na puwedeng pagtuluyan ng Asia Cup qualifying tournament, nirerekisa kung papasa ang Clark at Angeles University Foundation gym.
“Nagmamasid ‘yung FIBA,” bigkas nitong isang araw ni PBA commissioner Wilfrido Marcial. “May nagsabi sa akin, hinihintay, tinitingnan ng FIBA. Kapag naging successful ang Clark bubble, baka p’wedeng madala rito ang Asia Cup.”
Sinuspinde ang mga laro sa Asia Cup qualifying dahil sa coronavirus disease 2019 nitong Marso. May limang laro pa ang Gilas Pilipinas o national men’s basketball team, kasama sa Group A ng Indonesia, Korea at Thailand.
Isang bentahe ng Clark ang international airport doon na malapit din sa hotel at playing venue.
“Ang alam ko, isang may gusto (sa Clark) Thailand,” hirit ni Marcial. “Maganda doon, doon ka na lalapag. Wala ka ng ibang pupuntahan. ‘Yung international airport na lalapagan, tapos nandoon ka na. walang ganu’n ‘yung iba.”
Ready naman ang Bases Conversion and Development Authority at ang Clark Development Corporation sakaling mag-request ang FIBA na pagtuluyan ng qualifying window games.
“Makakaasa po kayo na handa po tayo rito, at sisiguruhin natin na kakayanin nating i-host kung gugustuhin po ng FIBA,” namutawi naman kay BCDA president Vince Dizon.
Abangan po natin ang susunod na kabanata. (REC)
-
Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda
Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]
-
Sen. Pacquiao, hindi payag ng exhibition game
Ipinapasa-Diyos ni Senator Manny Pacquiao kung ilang laban pa ang gagawin. Sa interview, inihayag na fighting senator na in God’s will kung sino ang susunod niyang makakasagupa sa ibabaw ng ring. Nilinaw nito na wala pang final na decision na negosasyon sa sino mang boksingero pati ang magiging petsa ng laban. Inamin […]
-
Sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating na ‘Dirty Linen’… JANINE at ZANJOE, parehong nalulungkot at nagkaka-sepanx
INAABANGAN na ng mga manonood ang huling anim na gabi ng sikat na Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen” kung saan masasaksihan ang walang katapusang ganitihan na mauuwi sa patayan ng dalawang pamilya nina Alexa (Janine Gutierrez) at Aidan (Zanjoe Marudo). Tutukan ang laban ng mga nais makamit ang hustisya at ng mga sakim sa kapangyarihan ng […]