• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 araw bago Holy Week: Simbahan, may paalala sa mga deboto sa gitna pa rin ng pandemya

PINAG-INGAT ng simbahan ang mga mananampalataya sa mga aktibidad na gagawin kasabay nang pag-aayuno sa nalalapit na Holy Week.

 

 

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bago pa man nagkaroon ng pandemya ay sinasabi na ng Simbahan sa mga mananampalataya na hindi naman kailangan na magpapako sa krus para lang mapatawad ang kasalanan.

 

 

Kung pagpapatawad lang naman ang kailangan, sinabi ni Fr. Jerome na sapat na ang pangungumpisal.

 

 

Maaari naman kasi aniyang gawin pa rin ang penitensya pero hindi naman ibig-sabihin nito ay kailangan ding saktan ang sarili.

 

 

Iginiit ni Fr. Jerome na sa lahat ng mga posibleng gawin para sa nalalapit na Holy Week, ang pinakamahalaga pa rin ay ang pagdarasal.

 

 

Ito ay lalo pa at nahaharap pa rin ang bansa sa banta ng Coronavirus Disease 2019, kahit pa pinayagan na ang 100 percent capacity sa mga simbahan sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

Kaya naman kahit ang nakaugalian nang Station of the Cross ay puwede naman gawin kahit nasa loob lang ng bahay.

 

 

Sa darating na April 10, ay papasok na ang Palm Sunday o Linggo ng Palaspas na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week/Mahal na Araw.

Other News
  • PBBM, tinalakay ang pagtaas ng produksyon, pagbaba ng presyo sa agri group

    NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa agriculture group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at tinalakay ang posibilidad na itaas ang produksyon ng  local agricultural goods at ibaba ang presyo.     Nakipagkita si Pangulong Marcos sa SINAG sa idinaos na  pang-apat na Cabinet meeting.     “Dapat mag-produce ng mas marami sa local natin […]

  • CARMELA LORZANO, itinanghal na bagong Sing Galing Year 2 ‘Ultimate Bida-Oke Star’

    MATINDING paSINGlaban ang naganap sa katatapos lang na Sing Galing Year 2 ‘The Kantastic Finale’ noong Disyembre 10 kung saan itinanghal bilang bagong Ultimate Bida-Oke Star ang Echan-teen Diva ng Batangas na si Carmela Lorzano.     Isang pangmalakasang performance ng “You’re My World” ang ipinamalas ni Carmela sa unang round, pagkatapos ay nagtapat naman […]

  • Alert level system ipinairal na nationwide

    Simula kahapon Lunes, Nobyembre 22, ay ipinairal na sa buong bansa ang COVID-19 alert level system na unang ipinatupad sa National Capital Region (NCR).     “Simula sa Lunes, buong bansa naka-alert level system,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.     Nauna rito, inaprubahan ni Pang. […]