• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘May batas po’: Maynila walang kukunsintihin sa smuggled COVID-19 vaccine use

Kahit kaliwa’t kanan na ang mga matataas na opisyal ng gobyernong ipinagtatanggol ang paggamit ng hindi rehistradong mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Maynila kinakailangan ang otorisasyon ng Food and Drug Administration (FDA) bago ito iturok ninuman.

 

 

“Bawal na bawal yan. Walang presidente, walang mayor, walang senador na magsasabing [okey lang kahit na walang FDA approval]. Hindi po, may batas po,” ani Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Lunes.

 

 

“Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA, eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal.”

 

 

Ito ang sinabi ni Domagoso matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na naibigay na ang bakuna ng Sinopharm, isang ‘di rehistradong gamot, sa ilang sundalo. Lumabas na ring ginamit na ito maging sa mga kawani ng Presidential Secrutiy Group (PSG).

 

 

May miyembro din ng Gabinete na nabakunahan, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año. Hindi naman niya pinangalanan ang opisyal na nabakunahan ng hindi pa aprubado na bakuna.

 

 

Ang palasyo ng Malacañang, kung saan naroroon ang tanggapan ng presidente, ay nasa loob ng Lungsod ng Maynila.

 

 

Ika-28 ng Disyembre lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na “walang iligal” sa paggamit ng mga naturang bakuna, lalo na’t ang ipinagbabawal ng batas ay ang pagbebenta at pagpapamahagi nito. Iligal pa rin ang pagpapasok nito sa bansa, ayon sa Republic Act 9711, o FDA Act of 2009.

 

 

“Ang ipinagbabawal ay benta. Wala pong bumili ng mga bakuna na naturok sa ating kasundaluhan. Hindi po ipinagbabawal ang pagturok maski hindi pa rehistrado, ‘wag lang ibenta, ‘wag i-distribute. Basahin po natin ang FDA law,” ani Roque, na isang abugado.

 

 

Nakuha pang pagpugayan ni chief presidential legal counsil Salvador Panelo ang mga miyembro ng PSG na nauna nang magpaturok ng COVID-19 vaccines kahit ‘di rehistrado at ipinuslit lang sa Pilipinas, sa dahilang ginawa raw nila ito para protektahan si Duterte.

 

 

“The Presidential Security Group’s action, aside from being legally valid, is consistent with — and pursuant to — its duty of securing the life of the president at all cost,” ani Panelo.

 

 

“Instead of being criticized, these sentinels of the President should be commended for putting their lives on the line.” (Gene Adsuara)

Other News
  • PDU30, tinintahan ang 4 na batas na naglalayong magtatag, mag-upgrade ng mga ospital

    NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang apat na batas na ngalalayong magtatag at i-upgrade ang mga lokal na ospital sa bansa.     Ang newly-signed measures ay Republic Act No. (RA) 11702, magtatatag sa Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Tayabas City; RA 11703 magtatatag sa Samar Island Medical Center sa Calbayog City; at […]

  • PSC mamamagitan na sa alitan nina Obiena at PATAFA

    Nanawagan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagresolba ng gusot sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at si pole vaulter EJ Obiena.     Ayon sa PSC na handa silang mamagitan at magsagawa ng pag-uusap sa dalawang panig.     Nagbabala rin ang PSC na kapag bigong maresolba at magmatigas ang […]

  • MARIO MAURER, sanib-puwersa sa dalawa pang Thai actors na sina NONKUL CHANON at GULF KANAWUT bilang newest TNT ambassadors

    TIYAK na maraming Pinoy Fans ang matutuwa sa pagsasanib-puwersa ng tatlong Thai actors na kanilang sinusubaybayan at hinahangaan.     Makakasama nga ng Thai Box Office Superstar na si Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak) sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) bilang pinakabagong ambassadors ng […]