OFW Center, layon na ipromote ang kapakanan ng overseas workers’- PDU30
- Published on April 9, 2022
- by @peoplesbalita
MAKATUTULONG ang paglikha ng Overseas Filipino Workers (OFW) Center sa Las Piñas City para i-promote ang karapatan at kapakanan ng ng mga overseas workers.
Dinisenyo kasi ito upang maging one-stop hub para sa mga migrant workers.
Sa isinagawang groundbreaking rites ng OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, tiniyak ni Pangulong Duterte na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para masiguro ang proteksyon at kapakanan ng mga OFWs.
“The productive collaboration of the government and its partner is the key to achieving concrete results for activities that promote the welfare and the holistic development of our unsung heroes,” ayon kay Pangulong Duterte sabay sabing “In recognition of their service and heroism, this administration has remained steadfast in providing the best service it could give to our OFWs.”
Ang OFW Center ay isang 10-storey building na magsisilbing satellite offices ng mga ahensiya ng gobyerno para sa “documentation and travel needs” at legal assistance para sa OFWs.
Ang center ay proyekto ng Global Filipino Movement Foundation Inc., isang non-stock at non-profit organization na nakikipagtulungan sa Christian churches, organisasyon at indibiduwal upang magbigay ng libreng tulong sa mga overseas workers.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang Global Filipino Movement Foundation para sa inisyatiba nito na suportahan ang mga OFWs sa pamamagitan ng pagtatayo ng one-stop shop.
“[OFWs] will always play a crucial part in our country’s development, especially during times of recovery after tumultuous events such as the ongoing Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing “I am pleased to join my fellow workers in government, members of the private sector, and of course, our overseas Filipinos and their families as we hold the groundbreaking ceremony of the OFW Center, a hub dedicated to serving our OFWs.”
-
$235 milyong investments nasungkit ni PBBM sa state visit sa Malaysia
TINATAYANG nasa $235 milyon halaga ng investment commitments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong araw na state visit sa Malaysia. Ang nasabing investments ay resulta ng pakikipag-usap ni Marcos sa mga negosyante sa Malaysia. “The investment commitments that we have received as far are valued at around $235 […]
-
Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang
INAASAHAN ng OCTA Research Group na makapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso. Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa […]
-
Bayanihan 3 Relief Package Bill, pasado na sa 2nd reading – Cong. Tiangco
MASAYANG inanunsyo ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill”. Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at […]