• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 kulong sa higit P138K shabu sa Valenzuela, Malabon

LIMANG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang lolo ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela at Malabon Cities.

 

 

Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre ng buy bust operation sa East Service Road, Brgy. Paso De Blas na nagresulta sa pagkakaaresto kay Aron Cedrick Gomez, 21, mekaniko, at Javier Villamor, 18.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nasamsam sa mga suspek ang humigi’t-kumulang 8 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P54,400, marked money, P200 cash, 2 cellphones, motorsiklo at coin purse.

 

 

Bandang ala-1:50 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Sto. Rosario Brgy., Mapulang Lupa si Joseph Cortez alyas “Boss”, 40.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakuha sa kanya ang humigi’t-kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang P500 boodle money.

 

 

Sa Malabon, naaresto naman ng mga operatiba ng SDEU ng Malabon police sa ilalim ng pamumuno P/Col. Albert Barort sa buy bust operation sa P. Concepcion St. Brgy. Tugatog sina Rogelio Madeja alyas “Dida”, 61, (Pusher/Listed) at Khaleb Guevara alyas “Khay”, 28.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang 2.38 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P16,184.00 at buy bust money.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • TAGUIG, UNANG SIYUDAD SA NCR NA MAY LISENSYADONG HEALTH CENTERS BILANG PRIMARY CARE FACILITIES

    NAUNA ang dalawang Health Centers sa Lungsod ng Taguig ang nabigyan ng license to operate  bilang Primary Care Facilities (PCF) ng Department of Health (DOH).     Ang Calzada Health Center at Hagonoy Health Center ay may licensed to operate hanggang December 31, 2024  alinsunod sa Administrative Order No. 2020-0047 na  sumasakop sa lahat ng […]

  • DENR: White sand sa Manila Bay makatutulong laban sa nagkakalat ng basura

    Makakatulong ang paglalagay ng synthetic white sand sa Manila Bay para hindi na magkalata at magtapon ng basura ang mga tao, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.   Ito ang naging pahayag ni Antiporda makaraang batikusin ang paglalagay nito imbes na inilaan na lang sana ang pondo sa mga […]

  • PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY, PINALAKAS NG VALENZUELA

    LALO pang pinahusay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa lungsod sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito na V-Alert Button.       Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis, na nagbibigay ng access sa isang komprehensibong […]