DENR: White sand sa Manila Bay makatutulong laban sa nagkakalat ng basura
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
Makakatulong ang paglalagay ng synthetic white sand sa Manila Bay para hindi na magkalata at magtapon ng basura ang mga tao, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.
Ito ang naging pahayag ni Antiporda makaraang batikusin ang paglalagay nito imbes na inilaan na lang sana ang pondo sa mga nangangailangan ng tulong ngayong may coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.
“If you are going to look at it, pag may kulay puti po, ayaw nating marumihan ito,” saad ni Antiporda sa isang panayam.
“Information campaign rin po ito na kailangan pangalagaan ang Manila Bay, na huwag natin itong dumihan. Tuloy tuloy po ang paglilinis natin, but sad to say, may mga pasaway pa rin po na nagkakalat diyan ng basura, nagtatapon sa dagat,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ng opisyal ng DENR na ang inisyatibo sa white sand ay parte ng P389 milyon Manila Bay beach nourishment project.
“Mga dalawang taon na po mula nang nagsimula ito, nung desilting, nung ating tanggalin ang mga burak sa ilalim, linisin iyong buong dagat. May mga gulong pa sa ilalim na narecover, natanggal na po ito at nilagyan na po ng buhangin. Supposedly black sand po iyan, naging white sand po,” giit pa ni Antiporda.
“Itong beach nourishment project, hindi po white sand ang kabuuan. At there is engineering intervention in place so the sand can withstand strong current, strong waves coming from the sea,” paglalahad pa nito.
Ayon pa sa opisyal, ang nasabing proyekto kabilang na ang operasyon sa sewage treatment plant ay nakatulong sa kalidad ng tubig sa Manila Bay mula sa pagkakaroon nito ng 1.3 bilyong coliform kada 100 milliliter ng tubig na ngayon ay nasa 700 coliform kada 100 milliliter ng tubig.
“Ang target po is 200 coliform per 100 milliliter by the end of the year para maging safe po ito sa ating mga kababayan sakali pong lumangoy sila diyan,” ani Antiporda.
Sa kabila nito, sinabi ni Antiporda na hindi pa ligtas na languyan ang Manila Bay.
“Hindi po pa puwede kasi iaayos po natin ang coliform level ng tubig para masigurado na safe na languyan,” ayon pa kay Antiporda.
-
Bureau of Quarantine tiniyak na wala nang delay sa paglalabas ng COVID-19 test results
TINIYAK ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi na magkakaroon pa ng delay sa paglalabas ng mga resulta ng COVID-19 RT-PCR test ng mga kababayan pauwi sa Pilipinas mula sa ibang bansa. Ayon kay BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., sa loob lamang ng 24 oras ay nakapagsumite na ng mga resulta […]
-
Lucena City’s Pride: Reuben Nepthaly Romulo Bags ‘1st PAC F2F Aquascaping’ Championship
PROVINCIAL Champion REUBEN NEPTHALY ROMULO from Lucena City, Quezon proclaimed as the Grand Champion of the ‘1st PAC (Philippine Aquascaping Club) Face to Face Aquascaping Competition’. The awarding ceremony held at Vista Mall Sta. Rosa last September 18, 2022. His magnificent masterpiece titled ‘Erosion’ eroded and defeated 16 equally beautiful and impressive […]
-
Iminungkahing kumpunuhin para sa seguridad ng mga Bulakenyo Fernando, ininspeksyon ang Bulo Dam
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos makatanggap ng sulat ang Gobernador mula sa isang concerned citizen na nagpapahiwatig ng pag-aalala tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bulo Dam, personal na pinamunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang inspeksyon ng dam kasama ang mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA) kahapon sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, […]