• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operasyon ng ilang tren sa Metro Manila, suspendido muna para sa Holy Week – DoTr

PANSAMANTALA munang sususpindehin ang railway services sa Metro Manila ng ilang araw dahil na rin sa Holy Week.

 

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Metro Rail Transit-Line 3 (MRT 3) at Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) ay isasara sa April 13 (Holy Wednesday) hanggang April 17 (Easter Sunday).

 

 

Ang regular na operasyon ay asahan daw na ibabalik na sa Abril 18.

 

 

Samantala, sa April 12, Holy Tuesday, ang LRT2 operations ay magsisimula mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi habang ang operasyon naman ng MRT3 ay susundin ang normal schedule.

 

 

Sa kabilang dako, ang Philippine National Railways (PNR) naman ay pansamantalang ititigil ang kanilang operasyon sa April 14 (Maundy Thursday) hanggang April 16 (Black Saturday).

 

 

Asahan ang normal operations sa April 17, Easter Sunday.

 

 

Una rito, inanunsiyo ng management ng Light Rail Transit-1 (LRT1) na ang kanilang operasyon ay sususpendehin mula Abrl 14 hanggang 17 para sa annual maintenance activities.

 

 

Mula April 11 hanggang 13, ang LRT1 operating hours ay magsisimula dakong alas-4:30 ng madaling araw.

 

 

Ang huling tren namang mula sa Baclaran Station ay mag-o-operate dakong alas-9:15 at ang nasa Balintawak Station ay bibiyahe dakong alas-9:30 ng gabi.

 

 

Ang regular LRT1 operations ay babalik naman sa Lunes April 18 ayon sa DoTr.

 

 

Ngayong araw ay naka-heightened alert na rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa asahang pagbuhos ng mga commuters para sa Holy Week at summer season.

Other News
  • 6’5” Fil-Am swak sa Gilas Women

    WALANG tigil si Gilas Pilipinas Women program director Patrick Henry Aquino na tumuklas ng talento para sa asam ng bansa na makaabot sa Summer Olympic Games women’s basketball.   Kaya maagap ang kikilalaning 2019 Philippine Sportswriter Association (PSA) Coach of the Year, sa mga nakikitang talento sa hangaring mapalakas ang national women’s quintet.   Isa […]

  • Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN

    MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards.     In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA.     Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap […]

  • PBA season 46 opening sa Abril 18 na!

    Iniatras ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng Season 46 sa Abril 18 sa bagong venue sa Ynares Center sa Antipolo City.     Ito ay matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na pumapalo na sa 5,000 kada araw.     Plano sana ng PBA management na […]